Tabal aprub na sa Rio Olympics | Bandera

Tabal aprub na sa Rio Olympics

Angelito Oredo - June 14, 2016 - 01:00 AM

MAISUSUOT na ni Mary Joy Tabal ang bandila ng Pilipinas sa kanyang pagtakbo sa 2016 Rio de Janeiro Olympics.

Ito ay matapos makipagharap sa buong pamunuan ng Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) kabilang na ang pangulo nito na si Philip Ella Juico Lunes ng hapon ang marathon qualifier na si Tabal at masiguro ang kanyang silya sa pambansang delegasyon na sasabak sa Olimpiada na gaganapin sa Agosto 5 hanggang 21.

“It was a fruitful discussion and I am happy with the outcome,” sabi ng 26-anyos na Cebuana na si Tabal matapos ang closed door meeting na ginanap sa opisina ng Patafa sa Rizal Memorial Sports Complex.

Hiniling mismo ni Tabal na makabalik sa komposisyon ng Philippine national team sa pagpapadala ng sulat noong Miyerkules ng gabi kasama na rin ang ang letter of certification mula naman kay Run Ottawa president at race director John Halvorsen na nagsasabi na nakapagkuwalipika ito sa standard at ang karera ay isang gold standard.

Si Tabal ang pinakaunang Pilipina sa kasaysayan na nakapagkuwalipika sa Olympic marathon matapos nitong abutin ang Olympic qualifying time na 2:45 sa pagtatala ng personal best nitong 2:43.29 oras sa Scotia Bank Ottawa Marathon sa Canada noong Mayo 29 na isang qualifying race para sa Rio Olympics.

Huling nagtala ng 2 oras at 49 minuto si Tabal sa kanyang paglahok sa Boston Marathon bago nagsanay sa Japan.

Ang pagkikita nina Tabal at Juico ay una sapul na mapabilang ang una sa national team noong nakaraang taon para sa Singapore Southeast Asian Games at nakapag-uwi ng pilak. Gayunman, agad nitong iniwan ang Patafa bago matapos ang 2015.

Nakatakda itong agad magbalik at magsanay sa Japan bago tumulak patungong Rio.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending