Mr. Pastillas type na type si Ellen Adarna: Ang hot niya!
SERYOSO at desidido na si Richard Parojinog o mas kilala sa tawag na Mr. Pastillas sa pagsabak sa magulo ngunit makulay na mundo ng showbiz.
Ayon kay Richard, todo na ang ginagawa niyang acting workshops ngayon under direk Rahyan Carlos. Bukod diyan, gusto rin niyang pumasok sa speech class para mawala ang Visayan accent niya. Laking Ozamis City ang binata kaya medyo matigas pa ang dila niya sa pagsasalita ng Tagalog.
Nakachika namin kamakailan si Mr. Pastillas sa pamamagitan ng manager/publicist niyang si Dominic Rea at dito nga namin nalaman na hindi pala nauwi sa seryosong relasyon ang pagde-date nila ni Pastillas Girl Angelica Yap.
Hanggang friends lang daw talaga sila, pero sabi ng binata naging mabuting kaibigan naman daw si Angelica sa kanya at nagpapasalamat siya dahil sa pagkakataon na ibinigay sa kanila ng It’s Showtime para makilala ng madlang pipol kahit paano.
Sey ni Richard, “Malaking bagay para sa tulad ko na nangangarap maging part ng showbiz ang mapanood ng mara-ming tao sa Showtime. Marami akong natutunan sa ilang linggong paglabas namin ni Angelica sa show.”
Ipinagdarasal ng binata na sana’y mabigyan din siya ng chance sa showbiz at nanga-ngako siya na pagbubutihin ang bawat proyektong ibibigay sa kanya. Sa ngayon ang pinakaraket lang niya ay kapag naiimbitahan sa mga events sa probinsiya para kumanta dahil ito naman daw talaga ang forte niya.
Tinanong namin si Richard kung may mga bading nang nag-alok sa kanya ng one-night stand kapalit ng pera at kasikatan, wala pa naman daw. Pero kung sakaling meron marespeto raw niya itong tatanggihan. Mas gusto raw niyang paghirapan ang mga bagay na gusto niya at walang ginagamit o inaagrabyadong tao.
Sa mga sexy stars ngayon, type na type ni Richard si Ellen Adarna, sobrang hot daw kasi nito at mukhang palaban sa lahat ng bagay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.