Ex-dyowa ni Diether nagpakasal na, pero wala pa ring anak
NEVER thought na makikita namin ulit ang ex-girlfriend ni Diether Ocampo na si Rima Ostwani. It takes a while bago namin siya nakilala habang nanonood ng mini-fashion show sa Louis Vuitton shop sa Greenbelt, Makati City.
Although, she looks familiar when we first saw her habang magiliw niya kaming pinapapasok sa loob ng basement ng LV store.
Sinabi namin ‘yun sa kasama namin mga colleague in writing na sina Alwyn Ignacio at kapwa namin columnist sa BANDERA na si Alex Brosas that time. Sabi namin sa kanila, the girl looks familiar. So, esep-esep until Alwyn mentioned her name. Bingo!
After we watched the LV mini-fashion show, nilapitan namin si Rima. Namukhaan din pala niya kami kaya super sweet din ng smiles niya when she welcomed us sa event.
Bumalik sa corporate world si Rima. Bago siya nakilala sa showbiz because of Diet na BF niya that time, matagal na siyang nagtatrabaho sa Rustan’s Makati as a Marketing executive. And since taga-showbiz ang BF niya, naengganyo na rin si Rima na subukan ang pag-arte.
Nu’ng nag-break sila ni Diet, nawala na rin siya sa showbiz. Una naming nakilala si Rima sa isang charity birthday event ni Diet sa Pampanga. Bago pa lang sila ni Diet that time and he introduced Rima sa mga entertainment press na inimbita niya sa kanyang event.
Doon nagpainterbyu na rin si Rima sa amin and we all liked her. Hindi lang siya ma-PR dahil ‘yun ay bahagi ng corporate job niya. But we know, natural na niya ‘yun at sadyang mahusay makiharap sa tao. Maybe because of her upbringing and her education. Spanish-German ang ina niya at Syrian naman ang kanyang ama. Her name Rima is Middle Eastern for “the eyes of the deer.”
Nagtapos siya ng pag-aaral sa college sa De La Salle University Manila. And she can speak four foreign languanges aside from Tagalog-English, Spanish, French and Arabic. So, nakapagtsikahan kami ng konting update sa current stage ng life niya. Doon nalaman namin na may asawa na pala si Rima but no kids yet.
Taga-Israel ang mister ni Rima named Jay Najjar. Ikinasal sila last April 29 lang in a Catholic Church sa officiated by Fr. Tito Calauag. Si Francis Libiran ang gumawa ng gown ni Rima habang naka-Dolce & Gabbana naman na suit ang kanyang groom. Simple pero elegante ang wedding and no less than the Zenaida “Nedy” Tontoco na may-ari ng Rustan’s Commercial Corporation ang isa sa godparents.
Isa pa sa mga ninang si Tess Ochoa-Acuzar na asawa ni executive secretary ni President Noynoy Aquino. Sila rin ang nagmamay-ari ng mysterious “glass mansion” sa Kyusi at ang bonggang Las Casas Filipinas de Acuzar sa Bagac, Bataan.
Antaray ‘di ba?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.