Anne, Dennis, Paolo bida sa ‘Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend?’ | Bandera

Anne, Dennis, Paolo bida sa ‘Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend?’

Ervin Santiago - June 09, 2016 - 12:01 AM

paolo ballesteros anne curtis at dennis trillo

NAKAKA-EXCITE ang pagsasama-sama sa isang pelikula nina Anne Curtis, Paolo Ballesteros at Dennis Trillo na may working title na “Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend?” under Viva Films.

Nagkaroon nang story conference ang nasabing proyekto at super excited na nga raw ang tatlo sa kanilang shooting. Ayon kay Anne, nang mabasa pa lang niya ang titulo ng movie ay natuwa na siya at lalo siyang na-excited nang malaman ang tema nito.

“Naku ang dami ko mga beki na kaibigan ang relate na relate sa kuwento nito kasi nga andami mga girls ngayon ang nai-in love sa mga gwapo ‘yun pala may BF na,” chika ni Anne sa panayam ng ABS-CBN.

Kuwento naman ni Dennis na first time makakatrabaho sina Anne at Paolo, “Bale sa story yung character ko ang tutuklasin nila Anne at Paolo kung bading ba ako o hindi. Yung ending nito kakaiba, dapat abangan nila.”

Sey naman ni Paolo na matagal nang hindi napapanood sa noontime show ng GMA 7 na Eat Bulaga, “Ngayon pa lang masaya na ang samahan namin kaya sigurado po na magiging magaan ang trabaho namin for the movie.”

Ang “Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend?” ay mula sa produksiyon ng Viva Films at Idea First nina Perci Intalan at Jun Lana.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending