Patricia Tumulak kinawawa ng AlDub fans, tinawag na malandi at pokpok
SALUDO kami sa pagiging totoo ni Patricia Tumulak, ang magandang segment host ng Eat Bulaga, ang paboritong bulabugin ngayon ng mga mahilig magwarlang fans nina Alden Richards at Maine Mendoza.
Edukada na siya ay maganda pa, lutang ang kanyang talento sa hosting na ipinagkatiwala sa kanya ng TAPE, Inc., masarap siyang panoorin dahil alam ng dalaga ang kanyang ginagawa.
Aminado si Patricia na nagpagawa siya ng ilong at boobs, ang napanalunan niya raw bilang Miss Earth Fire ang ginastos niya sa pagpapaopera, ano pa ang kakalkalin mong detalye sa isang taong tulad niya na umaamin?
Binubulabog siya ngayon ng mga fans ng AlDub, kung anu-anong masasakit na salita ang ikinakambal ng mga ito sa kanyang pagkatao, pero sana’y huwag nang patulan pa ni Patricia ang mga utak-biya dahil sayang lang ang mahalaga niyang panahon.
Selos na selos ang mga ito kay Pattypush dahil may relasyon daw sila ni Alden, masyado raw silang close na ipinalagay na ng mga tagahanga ng AlDub na may relasyon sila ng aktor, samantalang ni hindi nga type ng dalaga ang Pambansang Bae.
Hay, naku! Ikulong na lang kasi sa hawla si Alden at saka ito patitigan nang maghapon at magdamag kay Maine para tapos na ang kuwento ng kanilang panggugulo.
Sabihan bang malandi, pokpok at kung anu-ano pang salita si Patricia Tumulak? Bigyan ng kape ang mga taong ‘yan na nang magsabog ng insekuridad ang langit ay nagsambutang lahat ng kanegahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.