Heart tatapusin muna ang pagpapatayo ng sariling bahay bago magpabuntis kay Chiz
NAKAPLANO na ang paggawa ng baby ng mag-asawang Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero. Na-delay lang ang pagbubuntis ng Kapuso actress dahil nag-focus sila ng asawa sa nakaraang eleksiyon.
Ayon kay Heart nang makausap namin at ng ilang miyembro ng entertainment press sa taping ng GMA series na Juan Happy Love Story, inuuna lang daw muna niya na tapusin ang ipinatatayo niyang bahay bago nila karirin ni Sen. Chiz ang pagbuo ng kanilang panganay.
Ang balita namin, sobrang laki at sobrang bongga raw ng ipinapatayong bahay ni Heart, napangiti lang sa amin ang aktres nang itanong namin kung mala-mansion ba ang laki ng kanyang bagong house. “I’m still finishing my house. Pag naka-move in na kami itotodo na namin (ang paggawa ng baby), babalitaan namin kayo,” ayon kay Heart.
Dagdag pa niya, “House ko talaga yun. Open naman kami sa pre-nup. We’re a modern family,” sabi pa niya. Mula raw sa savings ni Heart ang ginastos sa bahay na iyon na galing lahat sa kinikita niya sa pagpipinta. Baka ang mangyari daw ay magpalipat-lipat na lang sila ng asawa sa kani-kanilang mga bahay, pero sinisiguro ng Kapuso actress na sa bahay niya matutulog si Chiz, “Tsaka ang dami kong gamit, eh! Mahirap maglipat,” natatawang biro ni Heart.
Isa lang ang pagpe-paint sa mga pinagkakakitaan niya ngayon bukod sa pag-aartista. Malaking part ng kanyang mga kliyente ay Chinese businessmen. May balak pa siyang mag-launch ng isang clothing line kung saan feeling fashionista ka na kahit puro white lang ang motif.
Nakikipag-collaborate na rin siya sa isang make-up brand para sa kanyang very own make-up case kung saan makikita ang kanyang mga painting.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.