Kiriray na komedyana puro bading daw ang type maging dyowa | Bandera

Kiriray na komedyana puro bading daw ang type maging dyowa

Cristy Fermin - June 08, 2016 - 12:05 AM

BLIND ITEM WOMAN 0226

GINAWANG pulutan sa isang umpukan ng mga taga-showbiz ang isang female personality na magaling umarte pero mukhang palaging barado kuno ang ilong.

Parang hindi raw iniiwanan ng sipon ang may kabataan pang komedyana dahil ang mga nagiging crush niya ay palaging kinukuwestiyon ang kasarian. Mabilis kasing tumibok ang puso ng babaeng ito. Crush lang naman, hindi siya ang klaseng makyondi na nakikipagchurvahan sa kanyang mga crush, basta nagsasabi lang siya ng totoo.

Kuwento ng humahalakhak naming source, “Ano ba naman ang girl na ito, ang mga natataypan niya, e, puro questionable ang gender! Nu’n, ang crush niya, e, isang hunk actor na kaliwa’t kanan ang lumulutang na kuwento tungkol sa kanyang kasarian!

“Tingnan lang daw siya ng hunk actor na ‘yun, e, para na siyang nakakakita ng mga stars! Nakakaloka siya! Wala nang tigil ang kuwento tungkol sa gender ng hunk actor, siya naman, e, kilig na kilig!” tawa nang tawang reaksiyon ng aming impormante.

Heto na naman siya ngayon. Isang hunk actor na naman ang ikinukuwento ng girl na crush na crush niya. Napakalinis daw kasi ng katawan ng bago niyang type na aktor, palaging mukhang mabango, kaya crush niya na naman ito.

Balik-chika ng aming source, “Ano baaaa!!!! Heto na naman siya! Paano ngang hindi magiging malinis sa katawan ang hunk actor na ‘yun, e, sobrang vain niya! Mabusisi sa hygiene niya ang bagong crush ng kiriray na female personality! “Palaging bumibida sa mga kuwentuhang-becki ang crush niya, kinukuwestiyon ang kanyang gender, nagka-girlfriend kuno siya, pero naghiwalay rin naman sila agad-agad!

“Bradly Guevarra, pakikurot nga sa singit ang kiriray na girl na ‘yan, para mauntog siya sa katotohanan na ang mga nagiging crush niya, e, kabaro rin niya!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending