Beep card: Pwede na magpaload sa Bayad Center
Upang mabawasan ang pila sa mga istasyon ng Metro Rail Transit at Light Rail Transit, maaari ng magpa-load ng beep card sa mga Bayad Center.
Inanunsyo ito kahapon ng AF Payments Inc., ang nasa likod ng tap-and-go payment card beep. Kasama sa collection network ng Bayad Center ang Tambunting, Villarica, at SM Business Centers.
“We are committed to helping commuters save time, and an important part of this is to find convenient loading points outside of the stations,” ani Peter Maher, CEO at pangulo ng AF Payments Inc.
Mayroong mahigit sa 1,000 payment collection sites ang Bayad Center. sa kasalukuyan ay 60 outlet pa lamang nito ang maaaring mapuntahan para makapagpa-load. Ang mga ito ay malapit sa mga istasyon ng tren.
Umaabot sa 1.5 milyon ang sumasakay sa tatlong tren kada araw— LRT Line 1 at 2 at MRT 3.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.