‘Pag napatunayang totoo, sasabihin ko kay Mayor Duterte, ako na ang unang bitayin! | Bandera

‘Pag napatunayang totoo, sasabihin ko kay Mayor Duterte, ako na ang unang bitayin!

Ervin Santiago - June 02, 2016 - 12:05 AM

robin padilla

HINAMON ni Robin Padilla ang mga naglabas ng balita na nagdadawit sa kanya sa isinagawang drug bust operation sa Angeles City, Pampanga nitong nakaraang Martes.

Ayon sa ulat ng GMA News, sinabing dating pag-aari diumano ni Robin ang ni-raid na residential property. Sa paunang imbestigasyon ng mga pulis, wala raw permanenteng nakatira sa bahay na iyon nitong nakaraang dalawang buwan.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Binoe ng mensahe tungkol kumalat na balita, aniya, “Kapag napatunayan na totoo ang sinabi patungkol sa akin, hihilingin ko kay Mayor Duterte na ako ang unang bitayin nya sa kanyang pag-upo bilang Pangulo.”

Ipinost din ng action star ang ilang screenshots ng report tungkol sa nakumpiskang liquid shabu, na nagkakahalaga ng P1.2 billion sa nasabing residential property sa Villa Dolores Village.

Ayon pa sa ulat, walang naarestong suspek ang mga tauhan ng PNP-Anti Illegal Drugs Group sa nasabing shabu laboratory. Naniniwala raw ang PNP na may nakapag-tip na sa mga nakatira roon na magkakaroon ng drug bust kaya mabilis na tumakas ang mga suspek.

Naabutan pa ng mga otoridad na bukas ang aircon sa isang kuwarto kung saan natagpuan ang galun-galong liquid shabu at iba pang equipment na ginagamit sa paggawa ng illegal drugs.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending