SA pangunguna ng mga dating PBA players na sina Bonbon Custodio at Nino Marquez ay binigo ng Macway Travel Club ang Philippine Christian University, 89-83, sa Rizal Memorial Coliseum para masungkit ang titulo ng 2016 MBL Open basketball championship.
Si Custodio, na namayagpag sa Barako Bull sa PBA noong 2000-2011, ay umiskor ng 16 sa kanyang game-high 23 puntos sa second half upang pamunuan ang Macway. Si Marquez, na naglaro naman sa Air21, ay nag-ambag ng siyam na puntos sa payoff period.
Ito ang unang kampeonato ng Macway sa MBL. Bago sa MBL, nanalo na ng 15 kampeonato ang Macway sa iba-ibang liga simula nang itatag ito noong 2013. “Sweet 16 ito para sa Macway. Masaya kami na isagdag ang MBL trophy sa aming koleksyon,” pahayag ni Macway team manager Erick Kirong, na pinuri rin ang coaching staff sa pangunguna nina consultant Braulio Lim at head coach Manny Mendoza.
Ang tanging talo ng Macway (8-1) sa torneyo ay nalasap nito sa kamay ng Our Lady of Lourdes Technological College-Takeshi Motors sa elims. Si Yves Sazon ay umiskor ng 22 puntos, habang si Von Tambeling, na nahirang na Most Valuable Player, ay nag-dagdag ng 16 para sa PCU Dolphins ni coach Elvis Tolentino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.