TAPOS na ang eleksi-yon, meron na tayong mga bagong pinuno na gagabay sa bansa sa susunod na anim na taon.
Kung tutuusin, nga-yon lang mangyayari na ang pangulo ay taga Mindanao at ang Bise ay taga Bicol – parehong “promdi” o probinsiyanong hahawak sa tinaguriang Imperial Manila.
Yung bise gustong umuwi ng naka-bus sa Naga; yung isa naman ayaw matulog sa Malacanang, gustong pala-ging nasa Davao.
Sa aking palagay, ang ganitong provincial mentality ng dalawang halal na lider ay magandang susi upang malutas ang marami nating problema. Parehong commuter ang ating dalawang bagong lider – si Robredo, naka-bus habang si Duterte bumibyahe ng taxi at umiikot sakay ng pick-up.
Ibig sabihin nito, natikman din nila ang traffic, ang corruption sa kalye at ang substandard na transportation system sa bansa. Kitang-kita ng dalawa siguro sa kanilang pagbiyahe sa mga highway kung gaano kahirap ang buhay ng mamamayan. At bilang mga promding commuter, naniniwala ako na sa anim na taon ay malaki ang pagbabagong makikita natin sa mga kanayunan at maging sa Metro Manila.
Maraming dapat gawin. Unang-una sa lahay ay ang graft and corruption sa loob mismo ng gobyerno, mula Malacanang, mga senador, kongresista, gobernador, mayor hanggang barangay officials.
Sina Du-Len noong kampanya ay umastang mga “poster boy and girl” kontra katiwalian at nagsabi sa atin na hindi sila corrupt at galit sila sa mga kurakot.
Tingnan natin kung totoo ang sinasabi ng dalawang ito lalo pa’t ang graft and corruption ang dahilan kung bakit patuloy na naghihirap ang sambayanang Pilipino.
***
Kung matutuloy sina Prof. Ben Diokno ang ilalagay sa DBM at si Prof. Leonor Briones bilang secretary ng Department of Education, isa itong indikasyon na lilinis ang gobyerno.
Nasa P3.1 trilyon ang ating budget na kung tutuusin ay sobra-sobra kung tunay na mapupunta sa mga makatotohanang health centers sa kanayunan, sa libreng college education sa bawat pamilya, sa kinakailangang makabago at walang kurakot na highways, railroads, airports, sa pagtatayo ng mga nuclear plants para sa Luzon Visayas at Mindanao, o mga solar at wind farms para mawala na ang brownout at maging mura ang kuryente.
Sa kabuuan, ang magandang line-up ng Gabinete ni Duterte ay magsisilbing workhorse niya para paunlarin ang ekonomiya habang hinaharap ang mas mala-king problema sa illegal drugs at kriminalidad. Kung baka sa ahas, ito po’y isa nang “hydra” na marami nang “ulo” na dapat nang tagpasin.
Totoo, marami ang mamamatay kasama na ang ilang inosente, pero lahat ng umunlad na bansa sa buong mundo ay dumadaan sa clean-sing process.
Noong Martial Law, binaril sa Luneta ang drug lord na si Lim Seng at hanggang matapos ang rehimen ni Marcos noong 1986, hindi nakapamayagpag ang ilegal na droga na kabaligtaran ng nangyayari ngayon.
Kung ako ang masusunod, kapag may fo-reigner na nahuli sa mga shabu lab, wag nang patagalin at ibiyahe na sa Tondo o Manila Bay. Pero, kapag pulis naman ang kasangkot, heneral man o PO1, aba’y dapat na ring kalusin at sabi nga ni Digong, ipakain sa talaba.
vvv
Para sa komento o reaksyon at mga tanon, maaaring mag-text sa 09178052374 o kaya ay mag-email sa [email protected]
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.