Sina Matteo Guidicelli at Jessy Mendiola na ba?
May nakita kasi kaming photo sa internet kung saan yakap-yakap ni Jessy si Matteo from behind while inside a studio yata.
Magkasama ang dalawa sa isang afternoon soap at tila doon nabuo ang kung anumang relasyon meron sila ngayon.
Sa nakita naming photo ay obvious na obvious ang closeness ng dalawa.
Parang mahihirapan silang paniwalain ang publiko na walang something na namamagitan sa kanila.
Ikaw ba naman ang yumakap mula sa likod ng binata tapos sasabihin mong wala kayong relasyon?
Anyway, baka nagkadebelopan nga ang dalawa while doing their soap.
Sabi naman kasi ng binata, they’re very close and he finds Jessy a “very delicate” and “smart” girl. He also admitted having gone out on dates with Jessy pero kasama nila ang cast members ng kanilang teleserye.
Si Matteo na nga ba ang ipinalit ni Jessy kay JM de Guzman?
At si Jessy na nga ba ang pumalit sa dating puwesto ni Maja Salvador sa buhay ng car racer-actor?
We’re hoping na hindi sana ito rebound relationship dahil parehong kagagaling lang sa pagkabigo ang dalawang young Kapamilya celebrities.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.