Magkuyang aktor huthutero, magaling manloko ng babae | Bandera

Magkuyang aktor huthutero, magaling manloko ng babae

Cristy Fermin - May 26, 2016 - 12:25 AM

BLIND ITEM MALE MALE 0408

ISANG grupo ng mga kababayan nating matagal nang nagtatrabaho sa isang bansa sa Asia ang nakapagkuwento kung gaano kahusay ang bokadura at atake ng ilang male personalities na nabigyan ng pagkakataong makapag-show du’n nang mahaba-habang panahon.

Kani-kanyang gimik sila para makapag-ipon ng datung mula sa mga parukyano ng club na mabilis nilang napapaniwalang mahal nila dahil sa galing ng kanilang bokadura.

Kuwento ng isa sa grupo, “Naku, kilalang-kilala na sila du’n, alam ng mga babae du’n ang mga atake nila para lang kumita nang limpak-limpak. Magagaling silang makipaglambutsingan, mabubulaklak ang dila nila, pramis!

“‘Yung si ____ (isang aktor na dating kilalang matinee idol na medyo nagkakaedad na ngayon), ang galing-galing niyang dumiskarte. Tatlo ang babaeng halinhinan niyang dinadatungan. Paniwalang-paniwala naman ang mga babae na mahal na mahal sila, ang hindi nila alam, inaayos lang ng lalaki ang schedule nila para hindi siya mabuking!” kuwento ng aming source.

May nakababata ring kapatid ang aktor na ayon sa tropa ay ibang klase ring dumiskarte, pareho silang magkuya na kilalang-kilalang huthutero, kaya kung may plano man silang bumalik sa nasabing bansa ay wala na silang kikitaing malaki dahil buking na ang mga gimik nila.

“Kaya nu’ng bumalik sila dito, e, paldu-paldo ang datung nila. Iba na talaga ang magagaling mambola, iba na talaga ang mahuhusay magpaikot ng mga kababaihan.

“Ang galing-galing ng mag-utol na ‘yun, sila ang itinuturing na berdaderong huthutero ng mga Pinoy sa bansang ‘yun. Alam kaya ng magandang anak ng aktor na ‘yun na mukhang datung ang daddy niya? Nakakaloka silang magkapatid!” kuwento pa ng aming impormante.

Bradly Guevarra, kapapanood mo lang sa aktor na ‘yun sa isang katatapos lang na serye, ask mo si Japs Gersin kung sino ang magaling mambolang aktor na ‘yun na imperness, e, nakakakanta rin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending