Bad Boy na marunong magpatawad | Bandera

Bad Boy na marunong magpatawad

Ramon Tulfo - May 26, 2016 - 12:10 AM

SI incoming President Digong, itinuturing ng marami na “bad boy” dahil sa kanyang pagmumura, ay tinuturuan tayo ng pagpapatawad nang sinabi niyang payag siyang ilibing ang labi ni Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Hindi ba nakapagtataka na ang bad boy na si Digong ay marunong magpatawad, samantalang ang mag-inang Cory at Noynoy, na ehemplo raw ng kabaitan, ay hindi marunong magpatawad at makalimot?

Ang paglilibing ng dating diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani ay isang isyu na naghati ng bansa ng ilang dekada.

Ang isang bahagi ng populasyon ay gusto nang makalimot, at ang isa naman ayaw magpatawad.

Bakit ganoon gayong ang ating bansa ay Kristiyano?

Bakit tahimik ang Simbahang Katolika sa bansa sa isyu ng pagpapalibing kay Marcos sa Libingan?

At the end of the day, ang isyu sa mga Marcos ay tungkol sa pagpapatawad na itinuturo ng Simbahan.

Bakit ayaw yatang magsalita ang Simbahang Katolika tungkol sa mga Marcos?

Dahil marahil si Cory Aquino ay saradong Katoliko at ayaw ng Simbahan na masaktan ang kanyang kalooban noong siya’y nabubuhay pa.

Nabubulagan ang mga detractors ni Marcos sa kanilang poot.

Ayaw nilang tingnan na si Marcos ay naging lider ng bansa ng maraming taon.

Mabait naman siyang pangulo noong una bago niya idineklara ang martial law at naging diktador.

Kung ang ibang pangulo ng bansa ay nakahimlay sa Libingan ng mga Bayani, bakit hindi si Marcos na lumaban para sa bansa noong Ikalawang Digmaan at maituturing na isang bayani?

Naibsan ang pangamba ng business sector nang piliin ni Digong si Silvestre “Bebot” Bello na kanyang magiging secretary of labor.

Binalot ng pagkatakot ang mga negosyante nang sabihin ni Digong na ilalagay niya ang mga taga Kaliwa bilang mga kalihim ng labor, environment and natural resources, agrarian reform at social welfare.

Kahit na si Bebot Bello ay isang human rights lawyer at abogado ng mga manggagawa noon, hindi siya maka-Kaliwa.

Hindi na magtatagal at bababa na ang ating mga kapatid na “nice people around” o NPA sa mga kabundukan dahil sa nalalapit na peace talks ng mga rebeldeng komunista at gobiyerno.

At upang patunayan na sinsero siya sa pakikipag-usap sa National Democratic Front, ang nagpapatakbo ng NPA, pakakawalan ni Digong ang lahat ng political prisoners na walang kondisyon.

Ang kondisyon lang na binigay ni Digong ay patuloy ang pag-uusap ng gobiyerno sa mga rebelde.

Good faith ang ipinakikita ni Digong at sana’y suklian din siya ng pagtitiwala sa gobiyerno ng mga rebelde.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Uunlad ang ating bansa kapag tinapon na ng mga rebeldeng komunista at Moro ang kanilang mga sandata upang sumali sa nation-building.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending