Kasong graft laban kay Joey Marquez ibinasura ng korte
IBINASURA ng Office of the Ombudsman anti-graft court ang mga kasong isinampa laban sa komedyanteng si Joey Marquez noong mayor pa siya ng Parañaque.
Sa 11-pahinang desisyon, pinawalang-sala ang aktor sa mga kasong g graft and malversation of public funds dahil wala umanong sapat na ebidensiya na naipakita sa korte ang mga naghain ng kaso.
“Complainant failed to establish the participation of Marquez in the assailed transaction,” ayon sa nakasaad sa resolusyon.
Ang nasabing kaso ay nag-ugat sa diumano’y maanomalyang pagbili ng compost at recycling equipment, noong nakaupo pa si Joey bilang alkalde ng Parañaque (2000 hanggang 2001), sa halagang P4.491 milyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.