Kawani nabulag sa trabaho | Bandera

Kawani nabulag sa trabaho

Liza Soriano - May 25, 2016 - 03:00 AM

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Gusto ko lang po sana na malaman kung sakop po ng benefits ng ECC ang nangyari sa father ko. Nabulag ang isa mata niya habang nasa trabaho. Isa po siyang welder. Paano po ang mag-file ng benefits? Sana ay masagot ninyo ang aking katanungan.
Grace Alejandro
Brgy 2 Pildera,
Pasay City

REPLY: Para sa iyong katanungan at para mabigyan ang lahat ng impormasyon, narito ang tatlong uri ng loss of income benefits:

TEMPORARY TOTAL DISABILITY (TTD) Benepisyo na ibinibigay sa isang manggagawa na hindi makapagtrabaho nang hindi tatagal sa panahon na binubuo ng sunud-sunod na sandaan at dalawampung (120) araw.

PERMANENT PARTIAL DISABILITY (PPD) Benepisyo na ibinibigay sa isang manggagawa na nagkasakit o nagtamo ng pinsala na humahantong sa permanenteng pero di-ganap na kapansanan.

PERMANENT TOTAL DISABILITY (PTD) Benepisyo na ibinibigay sa isang manggagawa na nagkasakit o nagtamo ng pinsala ng humantong sa permanenteng ganap na kapansanan at hindi makapagtrabaho na tumagal nang mahigit dalawang daan at apatnapung (240) araw. Ang PTD benefit ay maaaring makuha sa sumusunod na mga kundisyon:

1. Kumpletong pagkawala ng paningin ng parehong mga mata;
2. Pagkawala ng dalawang paa/braso sa o sa itaas ng bukung-bukong o pulso;
3. Permanente at kumpletong pagkalumpo ng dalawang paa/braso;
4. Utak pinsala na nagresulta sa may sakit na wala nang lunas sa pagkasintu-sinto o pagkasira ng ulo: at
5. Mga ganitong kaso tulad ng natukoy at naaprubahan ng SSS.

Anuman sa nabaggit ay maaaring makakuha ng benipisyo ang iyong ama

Maaaring mag-file sa anumang sangay ng SSS para sa prinadong sektor at dalhin ang mga kinakailangang dokumento

Atty. Jonathan Villa Sotto
Deputy director
Employees Compensation Commission

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream
.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending