Metro Manila, Rizal, Quezon nilindol | Bandera

Metro Manila, Rizal, Quezon nilindol

Leifbilly Begas - May 22, 2016 - 02:39 PM
UMABOT sa Metro Manila at Rizal ang pagyanig na may lakas na magnitude 4.4 sa lalawigan ng Quezon Sabado ng  gabi.      Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-7:14 ng gabi. Ang sentro nito ay siyam na kilometro sa silangan ng bayan ng Burdeos sa Quezon.      Nagresulta ito sa pagyanig na may lakas na Intensity III sa Quezon City, at bayan ng Binangonan at Baras sa Rizal.      Intensity II naman sa Malolos, Bulacan, Paranaque City, Antipolo City, at Guinayangan, Quezon.      Intensity I naman sa Tagaytay City.      Ang lindol ay sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar. Wala namang inaasahang aftershock at pinsala ang Phivolcs.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending