PH tracksters naka-2 pilak sa Taiwan Athletics Open | Bandera

PH tracksters naka-2 pilak sa Taiwan Athletics Open

Angelito Oredo - May 22, 2016 - 01:00 AM

WALANG nauwing gintong medalya ang lumahok na 10 kataong miyembro ng Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) sa katatapos na 2016 Taiwan Athletics Open sa Taoyuan City, Taiwan.

Gayunman, ipinaalam ni Patafa national coach Jojo Posadas na apat mula sa kabuuang 10 atleta ang nakapag-uwi ng tatlong pilak at dalawang tanso sa torneo ng nilahukan ng mga atletang naghahangad na makapasa sa Olympic qualifying standard para makatuntong sa nalalapit na 2016 Rio de Janeiro Olympics.

Ang mga nagsipagwagi ng pilak na medalya ay kinabibilangan nina Immuel Camino sa 3,000m steeplechase, Harry Diones sa triple jump at EJ Obiena sa pole vault.

Iniuwi ni Ting Yin Zhou ng host Taipei ang ginto sa 3,000m steeplechase sa tiyempo na 9:04.99 habang itinala ni Camino ang oras na 9:16.84. Ikatlo si Ji Ru Li ng Taipei sa 9:29.40 oras.

Napunta ang gintong medalya sa triple jump sa isang manlalaro ng host Taipei na lumundag ng 15.76 metro habang itinala ni Diones ang 15.75 metro. Ang tanso ay napunta kay Arissvusclvam Deivendran ng India sa 15.62 metro.

Nagwagi sa pole vault si Minsub Jin ng Korea sa naabot nito na 5.35 metro habang si Obiena ay nagtala ng 5.25 metro na mababa sa kanyang personal best at national record. Ikatlo si Iskandar Alwi ng Malaysia sa 5.05 metro.

Nagwagi sa women’s javelin throw si Chu Chang ng Taipei (52.98m) habang ikalawa si Hui Jun Li ng Taipei sa 48.34 metro. Ikatlo para sa tansong medalya ang pambato ng bansa na si Evalyn Palabrica na nakapaghagis ng 45.92 metro.

Nakamit naman ni Camino ang tanso sa men’s 5,000m run upang idagdag sa kanyang pilak sa steeplechase. Wagi sa event si Van Lai Nguyen ng Vietnam (15:00.91) at ikalawa si Ting Yin Zhou ng Taipei (15:09.87). Itinala ni Camino ang 15:26.88 para sa ikatlong puwesto.

Ang iba pang kasama na naging finalist lamang sa 100m finals Group A ay si Anfernee Lopena na nasa ikawalong puwesto sa itinalang 10.81 segundo. Tumakbo sa 100m Finals Group B si Jomar Udtohan para sa ikaanim na puwesto sa 10.75 segundo.

Sumabak sa pole vault women si Riezel Buenaventura para sa 4th spot sa natalon na 3.55m sa likuran ng nagwagi na si Allisson Koressel ng USA (4.20m), Yeeun Choi ng Korea sa silver (3.85m) at ikatlo ang Taipei (3.55m).

Tumapos naman sa ikalimang puwesto si Elbrin Neri sa 800m run (1:55.09) at 1,500m run (4:01.58). Ikaanim na puwesto naman ang 4×100 relay men sa itinala na 41.24.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending