Madlang pipol may hiling kay Pacman ngayong senador na
SENADOR na ang Pambansang Kamao. Sa ayaw at sa gusto ng mga miyembro ng LGBT na nasagasaan niya ang emosyon ilang buwan na ang nakararaan ay nagsalita na ang ating mga kababayan. Nanalo sa eleksiyon si Pacman, hindi na siya basta kinatawan ngayon ng Saranggani Province, senador na siya ng buong bayan ni Juan.
Nu’ng bago bumalik sa bansa si Mommy Dionisia pagkatapos ng matagumpay na laban ng Pambansang Kamao kontra kay Timothy Bradley ay may sinabi si Pacmom. Papunta na ito nu’n sa airport pabalik sa Pilipinas, “O, aalis na ako, ha? Maraming-maraming salamat sa suportang ibinigay n’yo kay Manny, ang ating senador!
“Pagdating niya sa Pilipinas, kampanya na ang aasikasuhin niya, mag-iikot na siya sa maraming lugar, tutulong siya sa mahihirap. Ganu’n ang gagawin ng ating senador!” madiing sabi ni Mommy Dionisia. Nagkrus ang kanyang dila, senador na ang kanyang anak ngayon, may bagong titulo nang nakahinang sa pangalan ni dating Congressman Manny Pacquiao.
Hiling ng ating mga kababayan ay huwag sanang puro absent ang gawin ni Pacman sa Senado, huwag sana niyang gawing Congress ang bagong upuang iniregalo sa kanya ng ating mga kababayan, magpakaabala sana ang kampeong boksingero sa pagbabalangkas ng mga batas na magiging kapaki-pakinabang para sa ating mga kababayan.
Sino nga ba ang mag-aakala na ang napakasimpleng anak ng GenSan ay magiging senador pala? ‘Yun ang kanyang kapalaran.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.