GOOD Day ActionLine, gusto ko lang po sana malaman sa SSS kung qualified nako magloan ang pagkakaalam ko po kasi may 3 years na po ako naghuhulog sa SSS sana po matulungan niyo po ako sa tanung ko. More power, Salamat po ng marami
Charles Romyer De Lara
REPLY: Ito ay tungkol sa inyong e-mail hinggil sa katanungan ni G. Charles Romyer De Lara ukol sa salary loan sa SSS.
Ang salary loan ay isang pribilehiyo na ipinagkakaloob ng SSS sa mga miyembro upang matugunan ang kanilang panandaliang pangangailangang pampinansyal.
Ang isang miyembro na nagnanais na umutang at dapat may hindi bababa sa 36 buwanang kontribusyon, kung saan ang anim na kontribusyon ay naihulog sa loob ng huling 12 buwan bago ang pag-file ng aplikasyon.
Ang halaga ng pautang ay batay sa average ng huling 12 monthly salary credits (MSC) na maaaring umabot sa maximum na P32,000. Ito ay binabayaran sa loob ng dalawang taon.
Batay sa aming rekord, si G. De Lara ay 30 buwanang kontribusyon pa lang ang hulog sa SSS. Iminumungkahi namin kay G. de Lara na ipagpatuloy ang paghuhulog sa SSS upang maabot niya ang kinakailangang bilang ng buwanang kontribusyon para sa salary loan.
Sana ay nabigyan namin na linw ang kanyang katanungan.
Salamat po.
Sumasainyo,
May Rose DL Francisco
Social Security Officer IV
Noted:
Ma. Luisa P Sebastian
Assistant Vice President
Media Affairs Department
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream
.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.