Young actress mas pinahalagahan ang pera kesa pakikisama | Bandera

Young actress mas pinahalagahan ang pera kesa pakikisama

Cristy Fermin - May 20, 2016 - 03:00 AM

BLIND ITEM FEMALE 0520GALING sa isang malayong probinsiya ang isang dating batang aktres. Lumuwas siya ng Maynila para subukin ang pag-aartista. Sumali siya sa isang talent search at nakalusot naman siya.

Nagkaroon ng magandang suwerte ang young actress sa kanyang network, nagbida siya sa ilang shows, nakilala siya.

Miss na miss na ngayon ng kanyang mga kababayan ang young actress, hindi na raw kasi siya nakauuwi sa kanilang bayan mula nang makilala siya, kaya maraming naghihintay sa kanya du’n.

Nu’ng minsang imbitahan siya sa fiesta ng kanilang bayan ay nagulantang ang mga namuno ng committee ng kanilang fiesta, napakalaki ng talent fee na hinihingi ng kanyang manager, kahit magbahay-bahay pa ang mga ito ay hindi makakayang likumin ang hinihinging TF ng young actress.

Kuwento ng aming source, “Hindi na nga siya nakakauwi sa bayan nila, e, ganu’n pa ang nangyari. Ano ba namang arburin niya na lang sa manager niya ang TF niya du’n, tutal naman, e, tagaroon siya?

“Siguradong matutuwa sa kanya ang mga dadalawin niyang kababayan, siguradong magiging happy ang mga schoolmates niya nu’n, di ba naman?

“Pero hindi niya ginawa ‘yun, sinabi niya sa mga friends niya na wala siyang nagawa, dahil talaga raw ganu’n sa management office nila, walang kai-kaibigan, katalo lahat,” malungkot na kuwento ng aming impormante.

Maraming kuwentong lumalabas tungkol sa kamalditahan ng young actress na ito, sagana siya sa sumpong, palagi rin siyang nakasimangot kaya bininyagan siya ng pangalang Simang.

“Kilala mo siya, Bradly Guevarra, very rich siya sa tantrums, kaya alam na!” pagbibigay pa ng clue ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending