Bagong boy band handa nang sumabak sa matinding labanan | Bandera

Bagong boy band handa nang sumabak sa matinding labanan

Ervin Santiago - May 20, 2016 - 03:00 AM

TOP

TOP ONE PROJECT

TOP

TOP

MATAPOS magwagi sa GMA Network’s multi-platform boy band competition To The Top, may debut album na agad ang grupong T.O.P. (Top One Project) under GMA Records.

Ang T.O.P. ay binubuo nina Adrian Pascual, Joshua Jacobe, Louie Pedroso, Mico Cruz at Miko Manguba na handang-handa nang sumabak sa totoong laban bilang mga Kapuso performers.

Their carrier single “Paggising” is included in their album, plus four other favorites from their performances sa To The Top tulad ng “Bakit Ganon”, “Alaala”, “Kaya Ko Kaya Mo”, and “Somebody.”

Ang bonus track sa album na “San Na” ay ang first original composition din ng grupo with the guidance of course ng isa sa mga mentors nila sa To The Top na si Maestro Ryan Cayabyab.

Despite having different strengths, the five boys found their harmony in friendship and their drive to reach their dreams. Youngest member Adrian, 17, shares how fellow member Miko M. inspires him to sing with his heart.

“Dahil po siguro ako yung pinaka-bata, sineseryoso ko po yung mga tinuturo nila sa’kin. Lalo na po si Miko, siya po yung nagtuturo sa ’kin ng mga tamang techniques sa pagkanta,” anang binata nang makachikahan namin sa launching ng kanilang album.

Si Miko M., naman 22, ang Music Man ng grupo who guides his band mates in their vocals and overall musicality. Siya rin ang kino-consider na “leader of the band” dahil sa galing at talento niya bilang musician.

“Nag-start po ako sa choir, where I acquired an ear for music. And then noong college, my brother influenced me to join an organization that also taught me how to dance,” anang binata.

Ang 20-year old namang si Louie Pedroso ay binasagang “bad boy” ng grupo, thus his moniker Medyo Pilyo. Playful in his tone, he admits to have started his passion in singing to impress girls. “When I was a kid, napapanood ko sa TV na mas nagugustuhan ng mga babae yung mga lalaking marunong kumanta.
“But as I was growing up, hindi na yung mababaw na concept na magpasikat yung reason ko. It’s about sharing na what the music portrays and what you can do and to inspire others,” ani Louie.

Ang Good Boy ng grupo ay si Mico C., 21, na may kakaibang style rin sa pagkanta, “I tried everything para mahanap kung ano yung bagay sa ’kin. Kasi ‘di naman pwedeng gusto ko lang, tapos hindi naman bagay sa boses ko. Nangyari naman na na-enjoy ko yung jazz, at sa tingin ko bumagay siya sa akin and I learned to love it.”

Dati namang intern sa GMA Records ang 22-year old na si Joshua Jacobe. Nang marinig niya ang auditions para sa To The Top agad siyang nagtungo rito to try his luck and fortunately landed the top spot alongside his four “brothers”.

“Nasa underground band scene po ako noong high school. Pero sa tingin ko po, nag-evolve yun habang tumatanda po ako at mas na-appreciate ko yung iba’t ibang klase ng music,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Available na ang self-titled debut album ng T.O.P.’s in digital format album at available na for download sa iTunes, Amazon, Deezer, and other digital stores nationwide. Mabibili na rin ito sa mga record bars nationwide, as well as through www.Lazada.com.ph.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending