Boy saludo sa pagmamahal ni James sa Jadine fans: Bravo! Mabuhay ka! | Bandera

Boy saludo sa pagmamahal ni James sa Jadine fans: Bravo! Mabuhay ka!

Ervin Santiago - May 18, 2016 - 02:00 AM

boy abunda at james reid

PURING-PURI ni Boy Abunda si James Reid sa pagiging professional nito sa kanyang trabaho at sa pagmamahal ng binata sa kanyang fans.

Sa nakaraang episode ng Tonight With Boy Abunda, ibinalita na sa kabila ng aksidenteng kinasangkutan ni James nu’ng mag-show sila ni Nadine Lustre sa Las Vegas ay itinuloy pa rin ng binata ang naka-schedule nilang concert sa San Diego.

Kumalat sa social media ang litrato ni James na may saklay matapos ngang ma-injure ang kanyang kanang tuhod. Ayon sa ulat ang hindi sinasadyang pagtulak sa kanya ng isang fan na nanood ng “JaDine High on Love” tour sa Las Vegas ang dahilan ng pagka-injure ng binata.

Ang advice ng doktor magsuot ng leg brace hanggang Martes pero nu’ng Lunes nga tinanggal muna ni James ang knee brace para ituloy pa rin ang kanilang show sa San Diego. Naging maayos naman ang performance ni James but with “minimal movement” lang. After the show, ibinalik din ni James ang kanyang knee brace dahil yun daw ang utos ng doktor na gumamot sa kanya.

At dahil nga rito, saludo si Boy Abunda kay James. Sabi ng TV host, “James I admire you. Pagdating sa San Diego tinanggal yung knee brace, did the show. Parang walang nangyari. Dahil utang natin sa ating mga audiences, sa ating mga kaibigan na sumusuporta sa ating mga palabas, so bakit natin sila idadamay? Bravo, mabuhay ka James Reid.”

Kung matatandaan na-bash nang husto si James ng ilang netizens dahil hindi siya nakasipot sa isang meet and greet para sa kanilang mga OFW fans without knowing na naaksidente na pala ang binata. Nag-sorry naman agad si James at nagsabing hindi niya kagustuhan ang nangyari at sana’y maunawaan ito ng kanyang mga tagasuporta.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending