Malditang aktres walang ginawa kundi magreklamo, sukdulan ang kaartehan | Bandera

Malditang aktres walang ginawa kundi magreklamo, sukdulan ang kaartehan

Cristy Fermin - May 17, 2016 - 02:00 AM

BLIND ITEM WOMAN 0226

“AY, maarte siya! Hindi lang obvious ‘yun dahil mahusay siyang magdala! May kaangasan din siya, kaya lang, idinadaan niya ‘yun sa puro biro lang!” ‘yun ang unang reaksiyon ng isang source nang pagpistahan sa isang umpukan ang mga female personalities na may kakaibang ugali.

Ang tinutukoy ng source ay ang magandang aktres na maganda rin ang takbo ng career ngayon.
Marami siyang programa at importante siyang artista ng kanyang network.

Matagal nang ikinakapit ng marami ang kaartehan tungkol sa aktres. Marami kasi siyang reklamo sa trabaho, palagi siyang may angal, kaya ang payo sa kanya ng marami ay magpahinga na kasi sa pag-arte dahil masyado na siyang maarte.

Kuwento ng isang source, “Pansinin n’yo ang mga posts niya, palagi siyang nagrereklamo dahil sobrang pagod na raw siya sa kawo-work.

Pagkatapos mo ngang basahin ang mga kuwento niya, e, parang pagod na pagod ka na rin! “Nakakahawa ang kapaguran niya kahit binabasa mo lang ‘yun. Paano naman kasi, e, ikinukuwento niya kung paano siyang napuyat at napagod, kung paanong pabaklasbaklas ang taping niya!” simulang reaksiyon ng impormante.

Dahil sa kanyang kaartehan ay marami tuloy nawawalan ng ganang makatrabaho siya, ang dami-dami niya kasing hinahanap, maldita rin siya pero hindi obyus. “Palaangal ang babaeng ‘yun! Tapos, magsasalita pa siya, magmamaangas, tapos, ang sasabihin niya, joke! Palagi siyang ganu’n, ang ending ng pagmamaangas niya, joke!

“Paano kaya tumatagal sa ugali niya ang boyfriend niya ngayon? Di ba, ‘yun ang hindi kinaya ng ex niya? Maarte kasi siya, maraming angal, marami siyang buntong hinhinga! “Bradly Guevarra, hindi mo siya kakayanin, lalong hindi mo siya gugustuhing karelasyon!” pagbibigay pa ng clue ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending