Boto ni Bongbong minadyik? | Bandera

Boto ni Bongbong minadyik?

Bella Cariaso - May 15, 2016 - 03:00 AM

SIMULA nang mag-umpisa ang bilangan ng boto mula sa transparency server ng Commission on Elections (Comelec) matapos ang eleksyon noong Mayo 9 at bago maghatinggabi, halos isang milyon ang lamang ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kay Camarines Sur Rep. Leni Robredo, pero nakapagtatakang natulog lang ang taumbayan, pagkagising kinabukasan, lumamang na kaagad ang kandidato ni Pangulong Aquino.

Talagang nakakaduda na sa isang iglap ay nagbago na ang ihip ng hangin at tuloy-tuloy nang lumamang ng boto si Leni.

Totoo nga bang dinadaya si Bongbong dahil hindi kapani-paniwala na sa halos isang milyon na lamang ay agad na mauungusan si Marcos ni Robredo sa loob lamang ng ilang oras?

Mula sa halos isang milyon, biglang nawala ang lamang ni Bongbong at parang madyik, kaagad na lumamang ang boto ni Leni ng halos sa 150,000 boto.

Ang tanong: Saan galing ang mga botong ipinangtapat sa halos isang milyon na lamang ni Bongbong kay Leni?

Hindi maiiwasan itanong ng marami kung saan ba talaga ang mga balwarte ni Leni kung meron man?
At paanong magkakaroon ng balwarte si Leni gayong bilang bagitong politiko ay hindi siya kaagad makapagbubuo ng mga balwarte?

Hindi rin maikakaila na maging ang Bicol na lalawigan ni Leni ay hindi niya masasabing kanyang balwarte dahil nahati pa ang rehiyon sa apat na mga Bicolanong kandidato naglalaban sa pagka-bise presidente.

Hindi ba’t pawang taga-Bicol sina Sen. Antonio Trillanes IV, Sen. Sen. Francis “Chiz” Escudero at Sen. Gringo Honasan?

Taliwas sa kaso ni Leni, walang dudang maraming mga balwarte si Bongbong dahil ang kanyang amang si dating pangulong Ferdinand Marcos ay matagal na naging pangulo ng Pilipinas at nakapagtanim ng mga lider pulitika sa malalayong probinsiya sa bansa.

Kaya nga maraming nagtatanong kung saan napunta ang boto ng Solid North?

Nasaan din ang boto ng Metro Manila, Visayas, Mindanao at maging sa Bicol region?

Ito na ba ang sinasabing ‘Plan B’ ng administrasyong Aquino, ang tiyaking matalo si Bongbong sa halalan, at kung mauupong pangulo si Leni ay mapapatalsik din si Davao City Mayor Digong Duterte sa pamamagitan ng impeachment?

Hindi dapat harangin ang mga boto ni Bongbong dahil kagustuhan ito ng mamamayang Pilipino na si Marcos ang gusto nilang maging bise presidente ng bansa.

Ang desisyon dapat ng mamamayan ang dapat masunod kung sino ang gusto nilang maging pangulo at pangalawang pangulo ng bansa — hindi dahil ayaw ng nakaupo dahil sa mortal na kaaway sa politika ng kanyang pamilya.

Noong una pa lamang, usap-usapan na hindi kailanman papayagan ng administrasyon na paupuin si Bongbong bilang bise presidente dahil magiging sampal nga naman ito dahil sa pagbabalik ng mga Marcos sa puwesto.

Pero hindi ba’t ang totoong boses ng taumbayan ang dapat manaig at hindi ang kapritso ng iisang tao lamang?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Demokrasya ang dapat pairalin kaya dapat pairalin ang totoong resulta ng halalan at hindi ang sinasabing Plan B ng administrasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending