Assunta kakaririn na ang pagbubuntis: May dapat lang gawin ang doktor ko! | Bandera

Assunta kakaririn na ang pagbubuntis: May dapat lang gawin ang doktor ko!

Ervin Santiago - May 15, 2016 - 02:00 AM

assunta at jules

KAKARIRIN na raw ni Assunta de Rossi at ng asawang si Jules Ledesma ang pagkakaroon ng anak ngayong taon. Ayon kay Assunta, last term na ng kanyang kongresistang mister sa pwesto this year, hanggang June 30 na lang sa Congress (Negros Occidental) si Jules at pagkatapos nito ay sisimulan na nila ang pagbuo sa kanilang first baby.

Mahigit 13 years nang mag-asawa sina Assunta at Jules pero hanggang ngayon ay wala pa silang anak, kaya ngayong wala nang mabigat na trabaho ang kanyang asawa sana raw ay makabuo sila agad. Nagdesisyon na ring tumigil sa politika si Jules dahil nga sa “baby” project nila ni Assunta, “Sabi ko kung gusto niyang magkaanak pa, itigil na niya ang kalokohang ito. Ha-hahaha! Sabi ko sa kanya, ‘Gusto mo pa bang magkaanak?’ Sabi niya oo raw.

“Ako naman kahit isa lang, okay na ako, pero kung kambal o triplets, e di go!” natatawang pahayag pa ni Assunta nang makachikahan namin sa presscon ng latest fantaserye ng GMA 7 na Magkaibang Mundo na pagbibidahan nina Louise delos Reyes at Juancho Trivino.

Inamin naman ng award-winning actress na meron din siyang problema sa pagbubuntis, “I have so many problems kasi physically pero hahayaan ko na lang ang doctor ko na umayos.” Pero hindi naman sinabi ng OB-Gyne niya na hindi na siya magkakanak? “Ay hindi pwede pa raw, may mga kailangan lang ayusin.”

Naikuwento rin ni Assunta ang tungkol sa pagbibigay nila ng ilang bahagi ng kanilang lupain sa Negros Occidental sa mga manggagawa nila roon. “Kailangan na naming asikasuhin yung bahay namin doon, tsaka kino-consolidatate na rin namin yung two estates sa San Carlos City, eh. Kaming mag-asawa na lang ang may control over the two haciendas, so matrabaho siya. Na ipamimigay din naman namin sa mga workers. Kaya tamang-tama na tapos na siya sa Congress, hindi dapat mahati ang atensyon,” paliwanag pa ni Assunta.

Natanong naman ang aktres kung bakit patuloy pa rin siyang nagtatrabaho bilang artista e, ang ganda-ganda na ng buhay niya?  “Artist ako, it keeps my sanity talaga kasi pag wala yun maloloka ako. Siguro pwede akong gumawa ng something else basta may kinalaman pa rin sa sining kasi hindi ko kaya yung…I mean even if my husband says na o di sabihin mo na nabo-bore ka. Hello bored ka, e, ba’t di ka mag-Culinary Arts?

Ganu’n na yung pambara sa akin. E, hindi naman ako mahilig magluto. Ha-hahaha! Gusto ko talagang umarte,” mahabang tugon ni Assunta. Samantala, after more than 13 years, magbabalik nga sa GMA si Assunta kung saan gaganap siyang nanay ni Louise delos Reyes sa Magkaibang Mundo. Challenging ang role ni Assunta rito dahil makikipagtagisan siya ng akting kina Gina Alajar, Rez Cortez, pati na rin sa mga youngstars ng Kapuso network.

Sa trailer pa lang ng serye ay ipinakita na ang sigawan at sampalan nila ni direk Gina, idagdag pa ang gagawing pagpapahirap sa kanya nito kapag namatay na ang asawa niya sa kuwento to be played by Gabby Eigenmann, ang kapatid ni direk Gina sa istorya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending