Toni dinugo sa unang linggo ng pagbubuntis, uminom ng gamot para kumapit ang baby | Bandera

Toni dinugo sa unang linggo ng pagbubuntis, uminom ng gamot para kumapit ang baby

Ervin Santiago - May 15, 2016 - 02:00 AM

toni gonzaga

MEDYO malaki na ang tiyan ni Toni Gonzaga ngayon, limang buwan na ang sanggol na nasa kanyang sinapupunan kaya doble ingat na rin ang ginagawa ng TV host-actress para masiguro ang maayos na kundisyon ng kanyang first baby. Ayon kay Toni, talagang wala pa sa plano nila ng kanyang mister na si direk Paul Soriano ang magkaanak, pero ibinigay sa kanila agad ng Diyos ang kanilang kauna-unahang “anghel”.

“Nu’ng nag-positive yung test, natigilan muna ako, tapos napaluhod ako. Nasa CR ako nu’n, e, nanghina yung tuhod ko. Napaluhod ako, napakapit ako sa sink tapos bigla na akong umiyak,” pahayag ni Toni sa panayam ng ABS-CBN.

Matapos makumpirma na buntis siya, una raw tinawagan ni Toni ang kanyang sisteraka na si Alex. Nagulat naman daw si direk Paul nang malamang buntis na siya.  Pero siyempre, ang pinakamaligaya raw sa kanilang lahat ay ang mga soon to be lolas ng kanilang baby. Sey ni Toni, unang apo raw kasi ito sa pamilya nila, ganu’n din sa family nina Paul.

Hindi raw muna ibinandera ni Toni sa publiko ang kanyang pagbubuntis dahil bukod sa nais muna nilang i-enjoy ang moment na ito privately ay naging maselan din ang first trimester ng kanyang pagbununtis.  “Na-experience ko yung bleeding and hemorrhage then I was asked to take medicine na pampakapit,” paliwanag ng future mommy.

Naiyak naman daw si Toni nang magpa-ultrasound na siya sa unang pregnancy check-up, “Yung first time na lumabas yung heartbeat, that really changed everything for us. Paul got emotional. I got emotional.”

Ngayong Mayo malalaman nina Toni at direk Paul kung babae o lalaki ang magiging first baby nila. Kuwento pa ng singer-actress hindi pagkain ang pinaglilihian niya ngayon kundi ang kanyang asawa, “Kailangan ko siyang makagat, kung di ko siya makakagat kailangan ko siyang amuyin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending