Zanjoe sa pakikipagbalikan kay Bea: Walang imposible, ang mahalaga hindi kami magkaaway! | Bandera

Zanjoe sa pakikipagbalikan kay Bea: Walang imposible, ang mahalaga hindi kami magkaaway!

Ervin Santiago - May 15, 2016 - 02:00 AM

zanjoe marudo

SA kabila ng pagkasira ng relasyon nina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo, nanatili pa rin daw magkaibigan ang dalawa kaya mas mabilis ang proseso ng kanilang pagmu-move on.

Sa interview ng ABS-CBN sa Kapamilya actor, sinabi nitong naging maayos ang break up nila ni Bea kaya napanatili nila ang kanilang friendship.

“Steady lang, ganu’n pa rin naman. Busy sa trabaho at sa ibang mga bagay,” chika ni Zanjoe na naging busy lately sa in-organize niyang 3rd Z Cup (celebrity golf tournament). This year, mapupunta ang proceeds ng yearly golf event ni Zanjoe sa DSWD Reception and Study Center for Children.

Siniguro naman ng aktor na masaya siya ngayon sa takbo ng kanyang career at personal life being single again. Nang matanong kung madali ba siyang naka-move on sa paghihiwalay nila ni Bea, ito ang naging sagot ng binata, “Moved on. Hindi ko alam, paano ba malalaman kung naka move-on?
“Pero happy ako ngayon kung ano ang nangyayari sakin. Happy ako sa buhay ko and ‘yun ang importante doon,” aniya pa.

Sa totoo lang daw sa maniwala at sa hindi ang mga tao, friends pa rin sila ng kanyang ex-dyowa.

“Masasabi kong okay kami. Kapag nagka-text kami, normal naman. So siguro masasabi ko na kapag magkikita kami sa isang lugar hindi kami magiiwasan. Hindi kami matatakot na ‘Naku, baka nandoon siya.’ So, I’m happy na ganu’n ang nangyari,” paliwanag pa ni Zanjoe.

Pero posible pa bang magkaroon ng second chance ang love affair nila ni Bea? “Sa ngayon ewan ko pero hindi natin masasabi eh. Ang importante naman eh hindi kami magkaaway. Di ba? So maraming pwedeng nangyari.”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending