Curfew sa pagsugpo ng krimen | Bandera

Curfew sa pagsugpo ng krimen

Ramon Tulfo - May 14, 2016 - 03:00 AM

IBINALITA ng aking mga espiya sa Davao City na punong-puno ang mga hotel sa siyudad ng mga guests na nanghihingi ng pabor at nag-aaplay ng puwesto sa administrasyon ni President-elect Digong.

Hindi makita si Rodrigo Duterte dahil nagpapahinga matapos ang nakakapagod na kampanya.

Pero hindi naiinip ang mga favor-seekers at job applicants dahil inaasahan nila na sila’y mapagbi-
bigyan.

Karamihan sa mga ito ay nagsilabasan na lang nang alam nilang mananalo na si Duterte.

Kabilang sa mga aplikante ay isang abogado na pinagtatawanan ng kanyang mga kapwa abogado dahil siya’y may katok sa ulo; at isang rice smuggler na ginamit ang kanyang puwesto sa administrasyon ni P-Noynoy.

Ang kanilang inaaplayan ay ang puwesto ng presidential spokesman at press secretary.

Hindi pa nga, nag-aasta na sila na nakapasok na sila sa magiging administrasyon ni President-elect Digong.

Malaking pagkakamali kapag inapoint ni Digong ang dalawang ito.

Ang dalawang characters na ito ay maaskad ang mga mukha, sing-askad ng kanilang personalidad.

At ang siste pa, hindi sila kapani-paniwala kapag binuka nila ang kanilang mga bibig.

Kailangan sa isang press secretary o spokesman na maganda ang kara na gaya nina Abigail Valte, Edwin Lacierda at Sonny Coloma sa administrasyon na nalalapit na ang pagpanaw.

Nirerekomenda ng inyong lingkod si Mike Toledo, press secretary noong administrasyon ni Pangulong Erap, para sa puwesto ng presidential spokesman.

Si Toledo ay isang de-kalidad na abogado, magaling magsalita at guwapo.
Isang babaeng reporter ang nagsabi sa akin na “makalaglag panty” ang mukha ni Toledo .

Ang isang presidential spokesperson— gaya ng TV reporters—ay kailangang may personalidad at magaling magsalita lalo na sa harap ng TV camera.

Dapat ilagay si Toledo ng search committee sa listahan ng mga kandidato para presidential spokesman o press secretary.

Kung ipapatupad ni Digong ang 9 p.m. curfew para sa mga kabataan at ang liquor ban simula ng 12 midnight, mababawasan ng malaki ang kriminalidad.

Ipinangako ni Digong sa kampanya na susugpuin niya ang krimen at droga sa loob ng anim na buwan ng kanyang panunungkulan bilang pangulo.

Maraming kabataan ang ginagamit ng mga kriminal na manloob sa mga bahay sa gabi; at kung sila’y nahuhuli ay ipinauubaya sila ng kapulisan sa kanilang mga konsentidor na magulang o social welfare officer.

Salamat sa estupidong batas na hindi pinakukulong ang batang lumabag sa batas.

Ang may akda ng estupidong batas na ito ay si Kiko Pangilinan, na nakasama sa “Magic 12” sa nagdaang senatorial election.

Karamihan sa panaksak at pamamaril ay nagaganap sa disoras ng gabi o madaling araw at ginawa ng mga taong lasing o lango sa droga.

Maraming mga aksidente sa daan ay naganap dahil sa kalasingan.

Sa mga unang taon ng Martial Law ni Pangulong Marcos, kakaunti ang krimen sa gabi dahil may curfew simula ng 12 midnight hanggang 5 a.m.

Hinuhuli at kinukulong ang mga curfew violators at pinagtatabas ng damo sa umaga bago sila pakawalan.

Maraming kriminal ang nahuli noong curfew at hindi na pinakawalan.

Isa akong bagong reporter noon kaya’t sinubukan kong magpahuli sa mga sundalo ng Metropolitan Command o Metrocom upang maranasan ang hirap ng curfew violators.

Siksikan kaming mga nahuli sa isang six-by-six truck, dinala sa kampo ng Philippine Constabulary (PC) sa Bicutan, hindi nakatulog sa loob ng kulungan dahil sa baho at mga lamok at pinagtabas ng damo kinaumagahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mula noon ay hindi na ako nagpahuli sa curfew.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending