Estrada muling nanalo bilang mayor ng Maynila
MULING nanalo si Manila Mayor Joseph Estrada bilang alkalde ng lungsod, matapos matalo si dating mayor Alfredo Lim.
Iprinoklama si Estrada matapos makakuha ng 283,149 boto, mas mataas lamang ng 2,685 sa nakuhang boto ni Lim na 280,464.
Unang natalo ni Estrada si Lima noong 2013. Nagsilbi si bilang mayor ng 12 taon.
Nakakuha naman si Manila Representative Amado Bagatsing ng 167,829 boto.
Nanalo naman si Dr. Maria Shielah “Honey” Lacuna-Pangan, anak na babae ni dating Manila vice mayor Danny Lacuna at running-mate ni Estrada, bilang vice mayor matapos makakuha ng 268,969 boto.
Nanalo rin bilang kongresista sina Manny Lopez (1st District), Carlo Lopez (2nd district), aktor na si Yul Servo (3rd District), Edward Maceda (4th District), Cristina Bagatsing (5th District) at Sandy Ocampo (6th District).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.