Poe dumalaw sa puntod ni FPJ bago bumoto | Bandera

Poe dumalaw sa puntod ni FPJ bago bumoto

Leifbilly Begas - May 09, 2016 - 02:04 PM

GRACE POE AT FERNANDO POE JR.

GRACE POE AT FERNANDO POE JR.


Bago bumoto, dumaan sa puntod ng kanyang ama ang presidential candidate na si Sen. Grace Poe sa Manila North Cemetery.
Ayon kay Poe sa mahahalagang okasyon ay palagi siyang dumaraan sa puntod ni Fernando Poe Jr., na pinagkakautangan niya ng kung nasaan siya ngayon.
Hindi naman ako darating sa puntong ito kung hindi dahil sa inspirasyon at alaala ni FPJ. Hindi naman ako kilala ng ating mga kababayan pero dahil sa kanya, dahil sa mga nagawa niyang kabutihan, ay tinanggap rin ako ng ating mga kababayan,” ani Poe.
Sinabi ni Poe na ang mga botante ang siyang magpapasya at may kapangyarihan na mamili ng nais nilang maging lider.
“Masaya ako at ako’y nagpapasalamat din sa lahat ng tumulong. Lahat ng napuntahan natin ako’y kumpiyansa pero siyempre sa lahat ng ating mga kababayan kayo ang may kapangyarihan kaya bantayan natin ang ating boto.”
Noong nakaraang gabi ay nagkuwentuhan si Poe at ang kanyang ina na si Susan Roces at nagbalik-tanaw sila sa mga nangyari.
“Pero katulad nga ng sinasabi ko, ‘yung nanay ko kasi nagbibigay sa akin talaga ng perspektibo at saka lakas,” ani Poe. “Pero sabi ng nanay ko, ay, ginawa mo lahat ng nararapat, hindi mo winala ang sarili mo, wala kang ginawang masama sa kapwa mong tumatakbo, basta lamang sinagot mo ang nararapat. At higit sa lahat, ang pakay mo ay para sa ating mga kababayan, makatulong. Kaya masaya naman kami.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending