Ginang na-high blood sa presinto para bumoto, patay
John Roson - Bandera May 09, 2016 - 01:06 PM
NASAWI ang 35-anyos na babae matapos dumanas ng high blood pressure habang boboto sa isang presinto sa Cebu City Lunes ng umaga, ayon sa pulisya. Kinilala ng pulisya ang nasawi bilang si Teresita Tanieza, residente ng Brgy. Carreta. Alas-9:45, boboto sana si Tanieza sa Room 14 sa ikatlong palapag ng Carreta Elementary School, nang tumaas ang presyon nito, sabi ni Senior Supt. Renato Dugan, tagapagsalita ng Central Visayas regional police.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending