10 na patay sa pagbubukas ng eleksiyon sa Cavite | Bandera

10 na patay sa pagbubukas ng eleksiyon sa Cavite

John Roson - May 09, 2016 - 11:04 AM

SAMPU katao ang napatay matapos pagbabarilin sa magkahiwalay na insidente sa dalawang bayan ng Cavite bago pa magsimula ang eleksiyon Lunes ng umaga. Pito katao ang pinagbabaril sa Brgy. Wawa 3, Rosario, dakong alas-12:10 ng madaling-araw Lunes, sabi ni Supt. Chitadel Gaoiran, tagapagsalita ng Calabarzon regional police. Tatlo sa kanila ay nakilala bilang sina Arniel Sharief, Farhan Datu Imam, at Ramon Tuazon. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng iba pang nasawi, habang ang sugata’y nakilala bilang si Fatar Mampon. Samantala, inulat ng Cavite provincial police na tatlo pang lalaki ang natagpuang patay sa bayan ng Tanza Linggo ng umaga matapos ding pagbabarilin. Natagpuan ng mga residente ang bangkay ng tatlong di pa kilalang lalaki sa kalsada ng Sitio Sampalukan, Brgy. Lambingan, dakong alas-4 ng umaga. Nakabalot at nakagapos ng masking tape at lubid ang mga mukha’t kamay ng mga lalaki, na pawang may mga tama ng bala sa noo, ayon sa ulat. Nakarekober ang mga rumespondeng pulis ng isang slug at limang basyo ng bala sa pinangyarihan. Inaalam pa ng mga imbestigador ang pagkakakilanlan at motibo ng mga salarin.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending