Female Performer na nang-okray sa isang presidentiable nganga, di kumita sa eleksyon | Bandera

Female Performer na nang-okray sa isang presidentiable nganga, di kumita sa eleksyon

Cristy Fermin - May 09, 2016 - 02:00 AM

BLIND ITEM WOMAN 0226

ELEKSIYON na ngayon, tapos na ang kampanya, naunsiyami ang pangarap ng isang female performer na makopo ang entablado ng mga pulitikong tumatakbo sa matataas na posisyon. Waley, as in nganga, ang hitad na babaeng performer dahil kahit anong partido ay walang nagkagusto sa kanya. ‘Yun pala ang kanyang gimik, ang wasakin ang isang kandidato, para kunin siya ng ibang grupo.

Tawa nang tawang kuwento ng aming source, “Pera na, e, na-ging bato pa! Nagkamali siya ng atake, palpak ang ginawa niya, sukat ba namang wasak-wasakin niya ang isang kumakandidato para lang makuha niya ang atensiyon ng ibang partido?

“’Yun pala ang pakay ng hitad, kaya ipinagbuyangyangan niya sa buong mundo ang paninira niya sa pulitiko, ang i-naasahan pala niya, e, kukunin siya ng ibang partido para gawing pambala sa kalaban nila! “Kaso hanggang ngayong botohan na, e, wala namang kumukuha sa kanya, kaya waley ang hitad, magdusa siya!” naiinis na kuwento ng aming impormante.

Kung sana’y in na in pa siya, kung sana’y panahon pa niya ngayon, pero tapos na kasi ang lahat para sa hitad na singer-performer. “Sorry na lang sa kanya, hindi umepek ang gusto niyang mangyari. Sa halip na may kumuha sa kanya, e, ‘yan tuloy ang nangyari. Pinagtatawanan lang siya, bina-bash pa rin ng mga tagasuporta ng pulitikong winasak-wasak niya!

“Kundi niya ginawa ang kalokahang ‘yun, e, baka may nagkainteres pa sa kanya kahit paisa-isang stage lang, di ba? Pero dahil sa kahitarang ginawa niya, waley na waley ang babaeng ‘yun na kuda nang kuda pero binawi rin naman ang mga pinagsasabi niya! “Naku, Bradly Guevarra, hindi mo na kailangan pang mag-split nang wagas para lang mahulaan mo kung sino ang hitad na babaeng ito!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending