Ate Guy magbabantay sa bilangan; pinasaringan si Mar, Binay | Bandera

Ate Guy magbabantay sa bilangan; pinasaringan si Mar, Binay

Leifbilly Begas - May 08, 2016 - 02:12 PM
HANDA umano ang superstar na si Nora Aunor na magbantay sa eleksiyon para matiyak na hindi magkakadayaan. Si Aunor ay sumusuporta sa presidential candidate ng Partido Galing at Puso na si Sen Grace Poe. “Kung kinakailangan kong magbantay sa mismong pagbibilang ng balota, gagawin ko para lamang po huwag madaya ang ating magiging presidente na si Bb. Grace Poe,” ani Aunor. Pinasaringan pa ni Aunor si Vice President Jejomar Binay na hindi man lamang umano tumingin sa kanyang mata nang humingi siya ng tulong sa para isang kaibigan. “Hindi siya makatingin ng diretso sa mata ko habang nakikipag-usap siya at tuloy-tuloy na lumalakad hanggang sa nalaman ko na lang na papalabas na pala ako ng opisina niya. Ganoon po ang ginawa sa akin ni Ginoong Binay,” ani Aunor.  Tinangka naman umanong ipakulong ni Roxas ang anak ni Aunor na si Ian ng hindi dumaraan sa proseso.  “Kay Mar Roxas naman, nagkaroon ng engkuwentro ‘yung anak kong si Ian sa dalawang mag-ama na taxi driver. Hindi kasalanan ng anak ko. Ang nangyari binully siya ‘nung mag-ama so kahit paano sumagot ‘yung anak ko. Nalaman ito ni Mar Roxas, nakarating sa akin na gustong ipakulong ni Mar Roxas ang anak kong si Ian ni hindi man lamang niya tinanong kung ano ang nangyari, hindi man lamang niya inalam kung bakit nagkaroon ng gulo ang anak ko doon sa dalawang mag-ama. Tama ba o papayag ba tayo na magkaroon ng ganoong klaseng presidente?” Naniniwala si Aunor na mabuting tao si Poe dahil pinalaki siya ng maayos ng kanyang ama na si Fernando Poe Jr., at ina na si Susan Roces. “At naniniwala po ako na hindi niya sisirain ang mga ipinakitang kabutihan ng kanyang mga magulang na walang iba kundi si Kuya Ronnie Fernando Poe Jr. at Miss Susan Roces, na sinamba ng mga mamamayan bilang artista ng sining.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending