Pangarap na maging sundalo | Bandera

Pangarap na maging sundalo

- May 07, 2016 - 03:00 AM

Sulat mula kay Edward ng Magsaysay St., Miputak, Dipolog City
Dear Sir Greenfield,
Two years na akong stop sa pag-aaral, dahil alang pera pang enroll sa college, kaya lang ng dumating dito sa aming province ang uncle ko para magbakasayon ang sabi nya mag-sundalo na lang daw ako. Kaya lang hindi ko alam kung makakapasa ako. Sa bagay gusto ko din maging sundalo o kaya’y pulis, kaya nais kong ipabasa sa inyo ang aking kapalaran kung may pag-asa bang ako ay maging isang pulis o kaya’y sundalo kapag sinunod ko ang suggestion ng aking uncle na isang opisyal ng militar. Isinilang po ako nuong April 9, 1993.
Umaasa,
Edward ng Dipolog City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Lumabo sa umpisa ngunit nagpatuloy naman at humaba ang Fate Line (Illustration 1-1 arrow 1. at arrow 2.) sa iyong palad. Ibig sabihin sa sandaling naka-in o nakapasok ka na sa akademiya ng pagsusundalo o pagpupulis, sa tulong na din ng iyong uncle na isa ng sundalong may katungkulan maluwalhati kang makakatapos at sa bandang huli, matutupad mo ang pangarap sa iyo ng iyong uncle ganon din naman ang sarili mong pangarap na maging isang ganap na sundalo.
Cartomancy:
King of Diamonds, Seven of Heart sat Ace of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing bastat lakasan mo lang ang iyong loob, sa iniisip mong larangan, bilang alagad ng batas o kaya’y pagiging isang sundalo bagamat sa umpisa ay maraming pagsubok at mga paghihirap sa bandang huli may pag-unlad at tagumpay na malalasap.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending