Jessy kay Jc: Boyfriend at husband material siya! | Bandera

Jessy kay Jc: Boyfriend at husband material siya!

Reggee Bonoan |May 07,2016
facebook
share this

Jessy kay Jc: Boyfriend at husband material siya!

Reggee Bonoan - May 07, 2016 - 02:00 AM

 

jessy jc 0507

Jessy Mendiola at JC De Vera

BUKAS na mapapanood ang Wansapanataym Presents: Just Got Laki nina JC de Vera at Jessy Mendiola mula sa Dreamscape Entertainment na ididirek nina Allan Chanliongco at Jojo Saguin.

Kuwento nina Jessy at JC sa ginanap na presscon para sa bagong episode ng Wansapanataym, tungkol ito sa batang lalaki na gusto na kaagad magbinata pero ang isip ay dose anyos lang. “Character based ito, katawan ng isang matandang tao, pero isip bata,” sabi ni JC.

Iikot ang kuwento kay Macky (Raikko Mateo) na isang batang kinaiinggitan ang kalayaan ng kanyang kuya at lubos na pinaghihigpitan ng kanyang ina dahil sa kanyang murang edad. Ngunit sa tulong ng isang magic candy, matutupad ang kanyang kahilingang maging binata at magawa ang anumang kanyang naisin nang walang pahintulot ng kanyang ina.

At bilang binatang Macky (JC), matatamasa niya ang inaasam niyang kalayaan at maglalakas-loob na magpakilala kay Ysabel (Jessy Mendiola), ang babaeng matagal na niyang crush.
Pero hindi magiging sapat para sa kanya ang isang araw ng pagtanda kaya naman aabusuhin niya ang pagkain ng magic candy na magiging dahilan para hindi na siya makabalik pa sa kanyang pagiging bata.
Ang peg ng Just Got Laki ay ang pelikulang “Big” nina Tom Hanks at Elizabeth Perkins na ipinalabas noong 1988.

Inamin nina JC at Jessy na pagkatapos daw ng serye nilang You’re My Home ay nagsabi sila sa isa’t isa na sana’y magkaroon sila ulit ng project na magkasama. Kuwento ng aktres, “Kumportable po kami kasi sa isa’t isa, sayang naman po kung hindi makikita ng ibang tao kung ano pa ‘yung kayang gawin naming magkasama, na-try na namin ang drama, so inisip namin kung romantic comedy naman kaya, so madami po talaga kaming napag-usapan.”

“Masarap talaga sa pakiramdam na mayroon kang katrabaho na kumportable ka, walang issues, pag nasa work lang kayo walang ibang iniisip na iba, so alam mo ‘yun, any projects siguro with Jessy will do,” saad naman ng aktor. Sa parati nilang pagkikita sa taping ng Wansapanataym, at sa gag show na Banana Sundae ay napagkakamalang mayroon nang namumuong romansa as pagitan nila bagay na ikinatawa lang ng dalawa.

“Uy, luma-loveteam tayo, hindi namin expected na marami kaming following, tapos all ages pa, may mga bata, matanda, teens, daddies, mommies. Siguro kasi dahil sa You’re My Home na rin. “Tapos matagal na kaming hindi nakikita sa ganu’n kaya kinakabahan kami kung magugustuhan ng mga tao itong Just Got Laki, so nandoon yung gustung-gusto nating pagandahin. So we’re doing this for the show not only for the team-up,” ani Jessy.

At dahil pareho silang single ngayon may posibilidad ba na maging sila? “Hindi natin alam, parang feeling ko, matagal pa ‘yung pagsasama namin,” hirit ni JC. “Nagpi-pray pa kami ng marami-raming projects pa,” dagdag nito.

“Itong Wansapanataym, parang getaway lang para ma-explore pa ang partnership namin, maybe next project ibang genre naman. Ngayon talaga, wala, eh, masaya lang talaga kami na may work uli kami together,” katwiran ni JC.

“At saka kung hinaluan mo ng lalampas pa doon hindi na magiging maganda pag nagkaroon ng nag-aaway,” katwiran ng aktres. Paano kung isang araw biglang manligaw si JC kay Jessy, “Ay magugulat ako,” tumawang sabi ng aktres.

Boyfriend material ba si JC? “Oo naman, si JC is a boyfriend material, even husband material din, (nagsigawan ang lahat ng nasa presscon), totoo nga, I think kaya ko nasabi ‘yun kasi minsan may mga days na super-down siya at nilalapitan ko para tanungin ko, sabi niya, ‘may problema kasi kami sa Burgery (business) ganyan-ganyan.’

“Alam mo ‘yung responsibility, alam niya kung paano hatiin kung ano ‘yung dito (showbiz) at ‘yung diyan (business side), ku,baga alam niya ang multi-tasking and that’s very important for a boyfriend or a husband,” papuri ni Jessy sa aktor.

Girlfriend material ba si Jessy para kay JC, “Ang napansin ko kay Jessy is she knows what she wants, alam niya kung saan siya papunta, clear sa kanya kung ano ‘yung gusto niyang ma-achieve in 5 to 10 years, masaya siya. Kaya siguro kami kumportable kasi alam namin kung paano tantiyahin ang isa’t isa,” kuwento ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, bukod kina JC at Jessy, kasama rin sa Wansapanataym Presents: Just Got Laki sina Angel Aquino, Albie Casiño, Nico Antonio at Nicco Manalo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending