NANGUNA ang isang nagtapos sa University of the Philippines (UP) sa mga nakapasa sa 2015 bar exam matapos makakuha ng rating na 87.40 porsiyento, inihayag ng Korte Suprema kahapon.
Samantala, umabot naman sa 1,731 ang nakapasa sa bar exam noong 2015.
Si Rachel Angeli Miranda ang itinanghal na bar topnotcher para sa 2015.
Samantala, tatlong iba pang nagtapos sa UP ang nakapasok sa Top 10.
“I never thought that I would top the bar. It was a shock. It was surprising,” sabi ni Miranda sa isang panayam sa ABS-CBN News Channel. “I tried my best during the exam, but the result still came as a surprise.”
Pumangalawa naman si Athena Plaza, ng University of San Carlos (USC) matapos makakuha ng rating na 87.25 porsiyento.
Kabilang naman sa pumasok sa top 10 ay sina:Jayson Aguilar, ng UP (ika-3 puwesto, 86.75 porsiyento); Reginald Arceo, ng Ateneo de Manila University (ika-4 na puwesto, 86.70 porsiyento; Mandy Therese Anderson, ng Ateneo (ika-5 puwesto, 86.15 porsiyento); Giselle Hernandez, ng UP (ika-6 na puwesto, 86.1 porsiyento); Darniel Bustamante, ng San Beda College (ika-7 puwesto, 85.90 porsiyento); Jecca Jacildo, ng USC, Soraya Laut, ng oXavier University atJericho Tiu, ng Ateneo (ika-8 puwesto, 85.85 porsiyento); Jedd Brian Hernandez, ng UP (ika-9 na puwesto, 85.80 porsiyento); at Ronel Buenaventura, ng Bulacan State University at Lara Carmela Fernando, ng San Beda (ika-10 puwesto, 85.75 porsiyento).
Noong 2014, itinanghal si Irene Mae Alcobilla, ng San Beda bilang bar topnatcher matapos makakuha ng 85.5 porsiyento.
Taong 2013 nang huling manguna ang UP sa mga bumasa sa bar exam, matapos manguna si Nielson Pangan na nakakuha ng 85.80 porsiyento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.