Poe hindi nakapirma sa covenant dahil sa maling info | Bandera

Poe hindi nakapirma sa covenant dahil sa maling info

Leifbilly Begas - May 02, 2016 - 08:00 PM

Grace-poe-e1449705764560
Nagkaroon umano ng hindi pagkakaintindihan kaya hindi nakapunta si Sen. Grace Poe sa Manila Cathedral para pumirma sa covenant for truthful and honest election.
Sa panayam kay Poe, sinabi nito na ang nakarating sa kanyang impormasyon ay gagawin ang signing sa Mayo 4.
“Dapat May 4, tapos… Nasa akin pa ‘yung text, I can show you just so you can verify later on… But for me, it’s really the spirit, ‘yung diwa nitong misa na ito,” ani Poe.
Si Poe ay madalas na nagsisimba at nagko-courtesy call sa mga taong simbahan sa mga lugar na kanyang pinutahan.
“Ang pagdadasal ay nasa puso at para sa akin… Ako’y… Dapat talaga ay nandoon ako kaya lamang doon nga, ito’y naka-commit dito. Maraming taong mga naghihintay at nakalagay doon sa aking kalendaryo May 4.”
Kahapon ay pumirma sa covenant sina Mar Roxas at Vice President Jejomar Binay sa Manila Cathedral. Ito ay pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.
Pumirma rin ang senatorial candidate na si Leyte Rep. Martin Romualdez at nagpasalamat sa pagmamalasakit ng Simbahang Katolika na magkaroon ng maayos na halalan.
“Naniniwala ako sa malasakit nila (Catholic Church) para sa ating mga Pilipino. I have my faith also that the Comelec will not compromise the future of this country by ensuring just, honest, clean, and peaceful elections,” ani Romualdez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending