Duterte hindi tumupad sa pangakong bubuksan ang bank account-Trillanes
SINABI ni Sen. Antonio Trillanes IV na nabigo si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na tuparin ang kanyang pangako na buksan ang kanyang bank account sa Bank of Philippine Islands (BPI) sa kabila naman ng pagtupad ng una sa hamon ng alkalde na gumawa siya ng affidavit na nagpapangalan sa kanyang impormante.
Ito’y matapos pumunta si Trillanes sa BPI sa Julia Vargas Pasig City para ipakita ang kanyang affidavit sa pagnanais na pumirma si Duterte ng waiver para mabuksan ang kanyang bank account sa Julia Vargas branch para patunayan na ito ay may transaksiyon na umabot sa P1 bilyon sa loob ng siyam na taon.
“My accusation stands. (Duterte) is a billionaire,” sabi ni Trillanes sa isang press conference sa Magdalo headquarters sa Quezon City kung saan siya dumiretso matapos bumisita sa bangko.
Idinagdag ni Trillanes na tinupad niya ang hamon ni Duterte na pangalanan ang kanyang impormante na si Joseph de Mesa.
Aniya, sa kabila nito, hindi nagbigay ng waiver si Duterte.
“We now know he is hiding something,” dagdag ni Trillanes.
Ipinadala naman ni Duterte ang kanyang abogado na si Salvador Panelo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.