Ibandera na ‘yan: 5 Pinoy pasok sa top 100 Asian scientists list
LIMANG Pilipino ang pasok sa “Asian Scientists 100” list na inilabas kamakailan ng The Asian Scientist magazine.
Unang pasok sa listahan ay ang National Scientist na si Ramon Cabanos Barba, isang horticulturist na nakilala sa paggawa ng paraan kung paano ang mga puno ng mangga ay mamunga kahit hindi pa panahon nito, na siyang dahilan kung bakit namayagpag ang mango industry ng bansa.
Nasa ikatlong pwesto si Barba.
Pasok din sa listahan ang National Scientist na si Angel Alcala (7th place), National Scientist Edgardo Gomez (9th place), at ang Project NOAH director na si Mahar Lagmay (10th place).
Si Alcala ay kinilala sa kanyang research on Philippine amphibians and reptiles, habang si Gomez naman ay para sa pangunguna niya sa world’s first national-scale assessment of damage to coral reefs.
Kinilala naman si Lagmay sa pagunguna sa Project NOAH, isang science and technology department’s program tungkol sa disaster risk reduction and management.
Nasa ika-12 pwesto naman ang National Scientist din na si Gavino Cajulao Trono Jr. para sa kanyang pag-aaral tungkol sa tropical marine psychology.
“The 100 distinguished scientists, innovators and leaders on this annual list come from diverse fields, ranging from the biomedical sciences to mathematics and geology. Together, they weave a rich tapestry of science and technology and provide inspiration and hope to many people around the world,” ayon sa magazine.
Bago makapasok sa listahan kailangan na matugunan ang mga rekititos: na siya ay nakatanggap o nagwagi ng national or international prize noong 2014 o 2015 para sa kanyang research, ang prize ay kinakailangan dumaan sa mabusising proseso at may significant na contribution sa scientific discovery o leadership na pakikinabangan ng academia or industry.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.