Biktima ng illegal recruitment | Bandera

Biktima ng illegal recruitment

Liza Soriano - April 30, 2016 - 03:00 AM

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line, ask ko lang po sana kung anong dapat namin na gawin dahil ang pamangkin ko ay naging biktima ng illegal recruitment. Hanggang sa ngayon ay wala pa kaming ginagawang aksyon. Ang sabi sa amin ay pwede naman naming kasuhan pero hindi po namin alam kung saan kami lalapit.

Umaasa kami na agad na mabibigyan kasagutan ang aming katanungan. Sana ay matulungan kami ng inyong column.

Editha Restar
Brgy. Malabon, Marinduque
REPLY: Para sa iyong katanungan Ms. Restar, sumangguni lamang sa aming tanggapan at maaari kaming magbigay na legal assistance sa inyong pamangkin.

At sa pakikipagtulu-ngan na rin ng ating government partners ang DOJ at NBI, ay maaaring arestuhin ang naturang recruiter.

Kaya paalala sa mga nagnanais na magtrabaho sa isang bansa, tiyakin lamang na lisensyado ang kausap na recruiter at lisensyado ang job order nito.

Paalalaa pa, na ilegal ang recruitment kapag humingi kaagad ang agency ng bayad gayung wala pang konkretong trabahong iniaalok, walang headquarters o opisina ang mga ito at nagsasagawa lamang ng house to house recruitment.

Maraming paraan upang malaman kung lisenyado ang recruiter.. Maaaring bumisita sa tanggapan o opisina ng POEA o bisitahin ang website ng POEA www.poea.gov..ph. Maaari rin na i-check ang listahan a Department of Labor and Employment (DOLE) at Overseas Workers Welfare Administratioj (OWWA)

Meron din tayong application downloadable sa google play and apple appstore kung saan pwedeng ma-check kung lisensiyado ang kausap na agencies. Maaari ding tumawag sa aming hotline 7221144 o sa 7221155 gayundin nasa Facebook at Twitter ang POEA.
Administrator Hans Leo Cacdac
POEA
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq. paglingkuran sa abot ng

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending