Planong pagkidnap ng Abu Sayyaf kay Kris kaduda-duda; Drama lang daw | Bandera

Planong pagkidnap ng Abu Sayyaf kay Kris kaduda-duda; Drama lang daw

Cristy Fermin - April 30, 2016 - 03:00 AM

Kris Aquino

Kris Aquino

BUWAN pa lang pala ng Pebrero ng taong ito, ayon kay Kris Aquino, ay may kamalayan na siya tungol sa planong pagdukot sa kanya ng bandidong grupong Abu Sayyaf.Sinabihan na raw siya ng kanyang mga kapatid tungkol sa plano, kinausap na siya nang masinsinan ng kanyang kuyang pangulo, ‘yun ang sinasabi niyang dahilan kung bakit hindi na siya nag-renew pa ng kontrata sa ABS-CBN.

Tumindi raw ang kanyang pagkakasakit dahil sa sobrang stress, hindi raw kasi ganu’n kasimple ang kuwentong nakaplano siyang dukutin ng grupo, kaya palaging taas-baba ang kanyang blood pressure.
Kung matatandaan ay nagbigay ng opisyal na pahayag ang aktres-TV host na pansamantala niyang iiwanan ang kanyang trabaho para tutukan ang kanyang kalusugan at ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby.

Nagbakasyon sila nang mahaba-habang panahon sa ibang bansa, binigyan niya nang sapat na panahon ang kanyang mga anak, pero kalusugan lang ang idinidiin niya nu’n at wala namang lumutang na balita tungkol sa pagbabanta ng grupo tungkol sa pagdukot sa kanya.Dahil du’n ay marami na namang namba-bash kay Kris ngayon, ano na naman daw bang drama ito, pati raw ang grupong walang kinalaman sa kanyang buhay ay kinakaladkad na ngayon sa mga kuwento.

Sabi ng kaibigan naming propesor na tutok na tutok sa mga aktibidad ni Kris, “Kung last February pa pala niya alam na may plano ang Abu Sayyaf na dukutin siya, e, bakit palagi pa rin siyang nagpupunta sa malalayong lugar para magbakasyon? “At kasama pa niya ang mga anak niya, ha? It could be true, pero… ewan!” tawa nang tawang reaksiyon ni prop. Sasagutin kaya ng Abu Sayyaf ang isyung ito?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending