Alden ginamit sa mga campaign poster sa Macabebe, Pampanga nang walang paalam
BINALAAN ng mga bossing ng GMA 7 ang mga taga-Pampanga sa mga pekeng campaign materials ng isang local candidate kung saan ginamit ang litrato ni Alden Richards nang walang paalam.
Ayon sa GMA Corporate Communications, walang ineendorsong kandidato si Alden na nagngangalang Myrna Lacap.
May mga poster kasing kumalat ang nasabing kandidato na kumakandidatong konsehal sa Macabebe, Pampanga na kasama si Alden.
Sa Facebook post ni Lendl Fabella ng GMA Corporate Communications sinabi nitong hindi totoong ikinakampanya o sinusuportahan ng Pambansang Bae ang nasabing local candidate.
Ani Lendl, “Beware! @aldenrichards02 is NOT endorsing this political candidate!?DapatTama?”
Muling ipinaalam ng GMA Artist Center sa publiko na walang ineendorsong politician si Alden, pati na rin si Maine Mendoza.
Nauna nang in-announce sa Eat Bulaga na walang balak mag-endorse o mangampanya sina Alden at Maine kahit na kaninong kandidato, kabilang na riyan si Tito Sotto na tumatakbo namang senador ngayong eleksiyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.