Kailan magkaka-anak? (2) | Bandera

Kailan magkaka-anak? (2)

Joseph Greenfield - April 24, 2016 - 03:00 AM

Sulat mula kay Jasmin ng Poblacion, Supiden, La Union
Problema:
1. Magli-limang taon na po kaming nagsasama ng mister ko kaya lang ang nakakalungkot hanggang ngayon wala pa rin kaming baby. Dahil dito naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung may pag-asa pa kaya kaming magkababy at kung may pag-asa pa kaming magka-baby kailan naman kaya ito mangyayari? Sabi kasi ng mister ko kapag hindi pa daw kami nagka-baby sa taong ito ng 2016 mapipilitan daw na mag-aampon na lang kami.
2. Ano po ba sa palagay nyo Sir Greenfield magkaka-baby pa ba kami o hindi na talaga? April 2, 1982 ang birthday ko at December 12, 1981 naman ang mister ko.
Umaasa,
Jasmin ng La Union
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) ang nagsasabing susuwertehin kang mabuntis sa taong ito ng 2016 hanggang 2017, upang pagsapit ng siyam ng buwang singkad, isang malusog at matalinong lalaking sanggol ang isisilang.
Numerology:
Ang birth date mong 2 ay nagsasabing isisilang ang panganay mong anak sa naasabi sa mga piling petsang 7, 16, 25, 1, 10, 19 at 28, habang isisilang naman ang babaing bunsong anak sa mga piling petsang 4, 13, 22, 31, 8, 17 at 26.
Graphology:
Upang matupad na ikaw ay magka-baby, panatiliin mo lang ang malaking buntot ng letrang “g at y” sa iyong sulat kamay at hangga’t maaari ay lakihan mo pa ang nasabing mga buntot, upang lalong sumigla ang iyong libido at init ng katawan, na siyang magiging sangkap o sigla
upang mas madali kayong makabuong baby ni mister.
Luscher Color Test:
Habang pula naman o red ang mapalad na kulay sa inyong silid upang madali kayong makabuo ng baby.
Huling payo at paalala:
Habang ayon sa iyong kapalaran Jasmin hindi pa kayo dapat umampon ng sanggol kung ngayon lang, dahil sa susunod na taon tulad ng nasabi na, ikaw ay nakatakdang mag-buntis ng isang lalaking sanggol, pagkatapos na isilang ang lalaking sanggol, lilipas ang humigit kumulang mga isang taon pa, isang babaing cute at malusog na sanggol naman ang kukumpleto at lalo pang magdadala ng suwerte at mga biyaya sa inyong pamilya, hanggang ang buong mag-anak ay patuloy na sumagana at nagmamahalan habang buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending