Sey ni TULFO na inatake ng depresyon: makakarma rin sila! | Bandera

Sey ni TULFO na inatake ng depresyon: makakarma rin sila!

- January 20, 2013 - 06:33 PM

mon tulfoMatapos kampihan ng korte sina Raymart at Claudine

Pagkatapos nang walong buwan ay naglabas na ng resolusyon ang piskalya ng Pasay City tungkol sa kasong isinampa ng matapang na kolumnistang si Ramon Tulfo laban sa mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto na nag-ugat sa kaguluhan sa airport nu’ng Mayo ng nakaraang taon.

Ibinasura ng piskalya ang kasong pambubugbog na ginawa ng mag-asawa at ng kanilang mga kasamahan sa kolumnista-komentarista, kapos sa ebidensiya ang ibinigay na dahilan ng nagrepaso sa kaso, isang bagay na ikinagulantang ng ating mga kababayan.Napanood kasi ng ating mga kababayan ang naganap sa airport, nagmistulang butangera si Claudine sa pakikisuntok at pakikisipa sa kolumnista, pati ang pananakit ni Raymart sa mamamahayag.

Reaksiyon ng isang nakausap namin, “Ano? Hindi pa ba sapat na ebidensiya ang nasa YouTube?

Hindi pa ba ebidensiya ‘yung kitang-kita na ng buong mundo na pinagtutulungan si Mon Tulfo ng tropa ng mag-asawang Raymart at Claudine?

“Kundi pa matatawag na ebidensiya ang ganu’n, ano na? Si Mon Tulfo na ‘yun, ha?

Nakakaloka naman, binugbog na’t lahat ‘yung tao, kapos pa pala sa evidence ang tawag du’n?” manghang-manghang reaksiyon ng aming kausap.

Hindi lang malungkot ang matapang na kolumnista-komentarista sa kinalabasan ng kanyang reklamo, depresyon ang umaatake sa kanya, paano raw nangyaring depensa lang ni Claudine ang pagsugod-pananakit sa kanya?

Isa lang ang tanging nasabi ni Kuya Ramon, “Makakarma rin sila.

Bahala na sa kanila ang karma.

Lagi namang may balik ang lahat ng mga ginagawa natin, kaya maka-karma rin sila.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang kasong grave coercion naman na isinampa niya laban kay Raymart ay pinababa ng piskalya, naging slight physical injury na lang ang reklamo, na minsan pang pinagtakahan ng mga sumubaybay sa kaganapan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending