Kambal ni Chiz natutong magluto at mag-alaga ng mga hayop dahil kay Heart | Bandera

Kambal ni Chiz natutong magluto at mag-alaga ng mga hayop dahil kay Heart

Ervin Santiago - April 16, 2016 - 03:00 AM

HEART EVANGELISTA AT CHIZ ESCUDERO

HEART EVANGELISTA AT CHIZ ESCUDERO

NAIMPLUWENSIYAHAN na ng pagiging animal lover ng kanilang stepmom na si Heart Evangelista ang kambal ni Sen. Chiz Escudero na sina Chesi and Quino.

Kilalang mahilig sa animals si Heart at spokesperson pa nga sya ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS).

Madalas ngang napupuri ang aktres ng mga netizen dahil marami itong inaampon na mga aso at pusa sa sarili nitong bahay at eventually ay hinahanapan rin nya ng maaaring kumupkop sa mga ito.

“Gusto ko kasi magpulot ng mga pusa. Eh sa bahay ko po para akong may nursery, marami akong mga alagang kuting na pinapaalagaan ko,” ayon sa Kapuso actress.

Sabi pa ni Heart, ang pag-aalaga sa mga hayop na napulot niya ang naging bonding nila ng kambal.

“So yung mga bata, nu’ng umpisa medyo naiilang sila na may mga pusa, aso ganyan. Pero ngayon, natuto na rin silang maging animal-lover katulad ko. Kaya para kaming may mga alaga na bata rin na ipinapa-adopt namin. So yun, nilalaro lang namin yung mga aso, lalo na ngayon na busy si Chiz at ako minsan nasa bahay lang. Kami talaga yung nagbaba-bonding,” kwento pa ng leading man ni Dennis Trillo sa bagong naughty-serye ng GMA na Juan Happy Love Story na malapit nang magsimula.

Bukod sa pag-aalaga ng aso at pusa sa bahay, nahihilig na rin daw magluto sina Chesi at Quino, at ayon pa kay Heart, sobrang enjoy na enjoy silang tatlo sa kusina.

“Para lang kaming may science project sa kusina kasi first time lang nilang magluto ng lasagna so para rin kaming nage-experiment. Ang fun lang,” chika ng misis ni Chiz.

Madalas na nga raw talagang busy ang senador lalo pa at papalapit na ang eleksyon kaya naman si Heart ang naiiwan para mag-alaga sa kambal.

Ang swerte naman talaga ng dalawang bata dahil kahit wala ang kanilang daddy ay nandyan naman ang kanilang Tita Heart.

Samantala, sa isang panayam, tinanong si Heart tungkol sa sa vice-presidential debate noong Linggo, at ayon sa kanya naging maganda ang performance ng kanyang mister.

In fact, nag-conduct ang Social Weather Stations ng survey kung sino ang nanalo sa debate, at si Sen. Chiz ang lumabas na top choice ng mga respondents. Kahit nga umani ng batikos ang monotonous daw na pananalita ng senador, ay positive pa rin ang sagot ni Heart sa issues.

She even challenged voters to think critically at kilalanin ang mga kandidato. Sey pa ng aktres, hindi rin daw ugali ng kanyang mister na manira ng ibang kandidato para lang iangat ang sarili nito.

“I think he was very good in the debate. Hindi siya nakipagbatuhan ng putik. There is really a simple way of doing things,” pagtatanggol ni Heart sa kanyang asawa.

Ayon pa sa aktres, nakabuti na rin na artista siya at sanay na sa bashers kaya mas madali na rin for her na i-handle ang sitwasyon, lalo pa at iba’t ibang memes ang ginagawa online tungkol sa kanyang asawa.

“Minsan nasasaktan ako pero siguro magandang training ang pag-aartista ko. I have to remain strong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Basta wala kang tinatapakan at ‘di ka nagyayabang everything will be okay. Ganu’n na lang siguro,” sabi pa ni Mrs. Escudero.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending