Shaina, Derek, Iza may pasabog bago maganap ang eleksiyon | Bandera

Shaina, Derek, Iza may pasabog bago maganap ang eleksiyon

Ervin Santiago - April 15, 2016 - 03:00 AM

SHAINA MAGDAYAO AT DEREK RAMSAY

SHAINA MAGDAYAO AT DEREK RAMSAY

ISANG napapanahong election-themed romantic-comedy movie naman ang hatid ng Quantum Films ngayong summer, ang “My Candidate” na pagbibidahan nina Derek Ramsay at Shaina Magdayao.

Pagkatapos maging blockbuster sa takilya ng mga pelikulang tatak Quantum tulad ng “English Only, Please!” at “#Walang Forever”, mapapanood na ang “My Candidate” na tatalakay sa positive side naman ng politika sa Pilipinas.

Iikot ang istorya ng “My Candidate” sa isang dating Congressman na tumatakbong Senador na si Sonny Suarez (Derek). Masipag, dedicated at makabayan. Ideal na ideal na kandidato kung tutuusin ngunit ang problmea ay sobrang mahiyain at takot sa publiko.

Si Vera Chavez naman na gagampanan ni Iza Calzado ay makakalaban ni Sonny sa pagtakbo sa Senado. Magkakaroon pa ng konting “friction” ang dalawa dahil dati sIyang girlfriend ni Sonny. Nasa kanya naman ang lahat ng katangiang wala si Sonny. Sosyal, charming at engaging. Yun nga lang hirap siyang makibagay sa grassroots.

Si Shaina naman ay gaganap bilang si Billie Pono, life coach at communications trainer na kinuha ng campaign team ni Sonny para hasain siya sa public speaking at mapalabas ang natatagong karisma nito.
Nagkaroon ng magandang samahan ang dalawa, nagawa ni Billie na maging perfect dream candidate si Sonny at natulungan naman ng politiko si Billie na maalis ang mga unresolved issues at insecurities nito sa buhay.

Nu’ng lumabas ang trailer ng “My Candidate” sa social media, humakot na ito ng ilang milyong views, shares at likes. Aliw na aliw ang lahat sa acting nila Derek, Iza at Shaina at bumenta ang iringan sa politika ng dalawa tuwing magkikita.

Hindi rin nagpataob si Shaina dahil malakas din ang screen presence ng dalaga tuwing may eksena silang dalawa ni Derek at may kakaibang kilig ang chemistry ng dalawa lalo na sa kanilang mga kissing scenes.

Ayon nga sa direktor ng movie na si Quark Henares nang makachika namin sa presscon ng pelikula kahapon, nagulat siya sa “magic” nina Shaina at Derek on screen habang sila’y nagsu-shooting. Kahit nga raw sino ang itambal sa aktor ay lalabas at lalabas pa rin ang kakaibang karisma nito.

Sinisiguro rin ni direk Quark na kakaibang putahe naman ang matitikman ng movigoers sa “My Candidate” at napapanahon pa ang pagpapalabas nito dahil nga malapit na ang eleksiyon.

Meron din daw halikan at love scene sina Derek at Shaina sa movie pero ayaw nang magdetalye ni direk Quark tungkol dito para surprise raw sa mga manonood.

Kasama rin sa pelikula sina Nico Antonio, Al Tantay, Ketchup Eusebio, Ricci Chan, Jun Sabayton, Christine Babao at Tirso Cruz III sa isang natatanging pagganap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na ang “My candidate” darating na May 11 nationwide produced by Quantum Films, MJM Productions, Tuko Film Productions at Butchi Boy Films.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending