Ana Capri nabiktima ng manyak sa club; humihingi ng hustisya | Bandera

Ana Capri nabiktima ng manyak sa club; humihingi ng hustisya

Jobert Sucaldito - April 13, 2016 - 02:00 AM

ana capri

RECENTLY ay nag-night out ang aktres na si Ms. Ana Capri with some friends sa Pool Palace Club sa The Fort. Ang pool Palace Club ay ang center area ng tatlong magkakadikit na clubs sa nasabing lugar kung saan merong swimming pool and connecting to Valkyrie, Rebel and another club which name we failed to get.

Nag-lowbat ang phone ni Ana kaya habang nag-iinuman ang mga friends niya at nagliliwaliw sa isang bar doon ay nag-charge siya ng kaniyang cellphone ang aktres malapit sa restroom and the swimming pool area.

Habang nakatalikod siya while watching her phone bigla na lang may isang lalaki from the back ang biglang lumapirot sa kaniyang puwet kaya dala ng kaniyang instinct ay humarap ang aktres at bahagyang tinampal ang lalaki sa kaniyang mukha while asking “Why did you grab my ass? What’s your problem?”

Instead of apologizing for what he did, yung mismong kamay na ipinanglapirot niya sa puwet ni Ana ay siyang isinampal ng malakas ng lalaki sa mukha ng aktres. Natulala si Ana sa pagkabigla, mabuti na lang at nilapitan ito ng lifeguard na nakasaksi sa insidente.

Humingi ng tulong si Ana para mapatawag ang kanilang security officer para ireklamo ang nasabing bastos na customer. Maya-maya lang ay dumating na ang kanilang head security upang alamin ang insidente.

Ana asked him kung ano ang protocol nila pag may ganitong insidente – kung saan siya puwedeng mag-file ng complaint. Sinabi ng head security na puwede siyang pumunta sa police headquarters sa tapat ng said facility to file her complaint.

Pumasok sa Rebel Club ang said guy at naabutan pa siya ni Ana with the security officer at tinatanong ang club personnel kung ano ang pangalan ng lalaking nambastos at nanampal sa kanya pero ayaw magbigay ng pangalan ang mga tao sa loob. Somebody said na guest ito ng isa sa kanilang VIPs.

Huwag daw mag-alala si Ana at magku-cooperate naman sila at ibibigay ang name ng guy para makapag-file nga ito ng complaint. Inabot nang ilang oras si Ana pero wala man lang makapagbigay sa kanila ng name ng lalaki, hinayaan pa nila itong makaalis sa club habang nakatunganga ang pobreng si Ana waiting for the guy’s name.

Sinabihan pa raw si Ana ng head security na huwag nang mag-file ng kaso at baka lalo lang itong magastusan. Bobong head security, di ba? Sabi niya magku-cooperate para makuha ang name ng lalaki para makasuhan tapos siya pa ang nagsabing huwag nang mag-file para di magastusan.

Instead of protecting their customer ay ininsulto pa. Just because VIP guest nila ang Chinese guy na iyon ay hahayaan na lang nilang mambastos and freely do what he wants kahit mali na. Sarap sapakin ng head security na ito.

The next day, after she woke up ay tumuloy si Ana sa NBI to file her case against a John Doe – kasi nga di niya nakuha ang name ng molester niya. NBI assisted her at pinapanood sa kaniya ang CCTV kung saan nakita ang sampalan blues.

Pero tanging si Ana and her lady companion lamang ang pinayagang manood sa CCTV kung saan kitang-kitang hinatid pa ng isang bouncer ang bastos na Chinese sa parking lot hanggang sa makasakay ito sa kaniyang kotse.

Meaning, kilala nila talaga ang guest na iyon kasi sobra nilang inalalayan pero yung pangako nilang ibibigay ang pangalan nito kay Ana para pormal na makasuhan ay hindi nila magawa. Dapat ay idemanda na rin ni Ana ang club, di ba? Kasi nga, that’s a clear obstruction of justice.

She sought the professional services of her legal counsel na si Atty. Rudolf Philip Jurado at puspusan na nilang inaasikaso ang kaso ni Ana.”Sorry guys for ranting like this. As much as I would like to put it behind me. I’m terribly still bothered with what happened to me this past weekend.

I went to Pool Palace Club to have some fun but got traumatized instead. I got sexually harassed and got physically assaulted for defending myself. I asked help from their security and received a run around instead.

I feel bothered, violated, insulted, and betrayed. I just cannot be quiet about this,” ani Ana.
Kailangang tulungan natin ang mga tulad ni Ms. Ana Capri dahil biktima siya ng kamanyakan ng kung sinumang hinayupak na iyon.

Let’s join hands na malaman kung sino ang lalaking ito. Kailangang makamit ni Ana ang hustisya.
Wait lang, tutal masyado namang maingay si Sen. Allan Peter Cayetano who’s running for Vice President, bakit hindi natin siya hingan ng tulong regarding this issue kasi nga ang nasabing club ay nasa Taguig na pinaghaharian ng mga Cayetano, di ba? Siya at ang sister niyang si Pia ay parehong senador, ang kapatid niyang si Lino ay congressman at ang asawa niyang si Lani ay mayor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya for sure ay makakatulong sila sa pagtugis sa manyak na iyon. Kung talagang totoo ang pangako nilang mga pulitiko na tutulong para sa ikagaganda ng pamahalaan natin, nakikiusap kami ngayon sa kanila na tulungan si Ana sa kasong ito.

Kung ayaw ibigay ng club ang name ng taong iyon, ipasara nila ang club for obstruction of justice.
Hay buhay…onli in the Pilipins.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending