Paalala ni Jose Mari Chan: Everyday should be Christmas Day!
SIGURADONG hanggang December na ang mga guesting at special appearances ng OPM icon na si Jose Mari Chan dahil sa pagiging in-demand sa pagsisimula ng holiday season.
In fairness, halos lahat ng TV shows, idagdag pa ang mga corporate and other live events, ay isa si Jose Mari Chan sa mga special guests.
Talaga namang pagpasok pa lang ng “Ber Months” ay kaliwa’t kanan na ang paglabas ni JMC sa iba’t ibang platforms, lalo na sa social media kung saan sandamakmak na memes ang bumabandera.
Pagpasok pa nga lang ng September 1 ay ang kanyang hit song na “Christmas in Our Hearts” na ang mapapakinggan sa TV, radio at mga online shows kaya naman inaasahang hanggang sa December ay magiging busy na naman ang tinaguriang “King of Philippine Christmas Carols”.
Pero ano nga ba ang tunay na diwa ng Pasko para kay JMC? “Everyday should be Christmas Day. The spirit of Christmas is giving and sharing, that is what gives meaning to life,” ang sagot ng veteran singer-songwriter sa panayam ng “Unang Hirit”.
“We have to share our blessings with those in need,” dagdag pa niya.
View this post on Instagram
Tungkol naman sa naglalabasang mga memes niya sa social media pagpasok ng “Ber Months”, “Many of them are funny.”
Baka Bet Mo: Jose Mari Chan ayaw sa titulong ‘Father of Filipino Christmas Songs, mas OK daw tawaging ‘Chan-ta-Claus’
Sa isang event kamakailan ay naging emosyonal si JMC nang makisabay sa kanya ang audience sa pagkanta niya ng “Christmas In Our Hearts.”
“What surprised me was the whole crowd sang along with me, and I was so touched and moved,” chika ni JMC.
Palagi ring sinasabi ni Tito Joe na hindi kailangang tawagin siyang “Father of Christmas Carols” o “King of Christmas Carols.”
“I don’t like that. I’m just your regular Filipino singer-songwriter who happened to write a song, a Christmas song, that our people both young and old love, so it’s a blessing to me and I thank God for that gift,” pahayag ni JMC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.